Chapter 67 - First step to forever

17.5K 269 40
                                    

Pakisearch sa youtube yung CANON ROCK wedding march. nagloloko youtube ko eh, di ako makakuha ng videos xD ulit-ulitin niyo yung song habang binabasa niyo to xD

------------------------------------------------------

As I open my eyes, napangiti kaagad ako. Today is the most awaited day!

Later, everything will change. My civil status…My lastname… and of course, my life.

I will enter another stage of my life, with the love of my life.

I was getting a bit nervous and excited at the same time.

“Anak, gising ka na pala”

napabangon ako nung naranig kong nagsalita si nanay

umupo siya sa kama ko at napabuntong hininga.

“Grabe, anak. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang uhugin ka pa, tapos mamaya ikakasal ka na. mamaya lang Padilla ka na”

I smiled at her , “Nay naman eh! Kahit naman maging Padilla na ako mamaya, ako pa din yung anak mong uhugin pero maganda!”

Natawa na lang kami ni nanay.

"Anak, ayoko sanang maging madrama pero di ko mapigilan eh. Iba pala yung pakiramdam kapag anak mo na yung ikakasal. Parang pakiramdam ko malalayo ka na saakin.”

lumapit ako kay nanay at yumakap, “Bakit naman ako malalayo, nay? Syempre di kita iiwan no!”

“Hindi sa ganun, anak. Kase syempre mag-aasawa ka na, dadami na yung responsibilities mo, lalo na kapag nagka-anak ka na”

“Oo nga no? pero nay wag ka mag-alala. Gagawa at gagawa ako ng paraan para makasama ka! “

“Yun oh!” tapos natawa kami, “sige na, bangon na jan para makapag-almusal ka na”

“sige po, sunod na ako” sabi ko

tumango naman si nanay at lumabas na ng kwarto.

Chineck ko yung phone ko kung may message na ba si Dj, pero sad to say …wala baka busy? Or baka tulog pa? Kainis naman kasi eh, bakit ba bawal magkita ang bride at groom bago ikasal? Psh! Daming arte!

Bumangon na ako at nagstreching tapos tumayo ako sa harap ng salamin. Nagkatawang tao na pala ang isang dyosa? Haha de joke lang!

Lumabas na ako ng kwarto at nag-almusal. Si Nanay at mommy lang ang kasama ko ditto sa unit ngayon. Hahabol na lang daw kasi mamaya sila Ate at yung mga relatives namin.

“Goodmorning, Soon to be Mrs. Padilla!”

napangiti ako dun sa sinabi ni mommy

“sige na, kumain ka na jan. tapos maligo ka na, mamaya sisimulan ka na namin ayusan”

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon