Chapter 4

39.8K 534 14
                                    

Tumigil kami dun sa may waiting shed. Pareho kaming hingal na hingal, tinignan ko siya. Ayy si ate Katrina pala

“Ate naman eh. Bakit kailangang tumakbo? “




“Anong ginawa mo!?!?” mejo galit yung tono niya. Hala! Ano bang ginawa ko?

“Ha?”




“bakit mo niloko-loko yung bata sa playground?” salubong yung kilay niya OMG!

“Eh kasi siya eh. Tinulak niya ako sa swing” tumungo ako

“Edi sana pinabayaan mo na lang, hindi yung kung anu-ano pang sinabi mo. Kathryn, hindi mo kilala yung batang yun. Hindi mo alam kung anong pwedeng gawin nun satin!”




“Eh  bakit? Sino ba siya?”




“Siya lang naman yung anak ng isa sa owner ng school na ‘to! Tandaan mo scholar lang ako dito, alam mo bang dati may isang scholar na nanloko dun.”




“Oh anyare?” binigyan ko siya ng “Eh-ano-naman-look”

Tinanggalan siya ng scholar!”




Na-guilty ako, dahil pala sa ginawa ko eh pwedeng mawala yung scholarship ni ate “Sorry po” yumuko ako

“Okay lang. basta wag mo na ulitin yun ah. Tsaka bakit ka nga pala nandito? Tapos na ba klase niyo?”




“opo. Sinuspend kami may bagyo daw”



My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon