Chapter 44 - If it's meant to be it will be

21.9K 199 47
                                    

Di ako comfortable sa chapter na 'to :/ sorry bawi next time :D

______________________________________

Pag bukas ko ng pinto, sinalubong kaagad ako ni Ate Maya. Mugto yung mata niya, niyakap niya ako ng mahigpit

“Ate, what happened?” tanong ko

“K-kath,”

Nagsisimula na akong kabahan. Ano bang nangyayari??

“Ano bang nangyari?” tanong ko ulit

“Kath, sinugod sa hospital si Sr”

Parang nawala ako sa sarili ko. Di ko na alam yung ginagawa ko.

Nagulat na lang ako nung nasa garage na ako at minamadali kong kumilos si Kuya joma. Yung driver namin.

“Kuya dalian mo!!!”

Habang nakasakay sa kotse di na ako mapakali, pinagpapawisan na ako kahit nakabukas naman yung aircon.

Dad, ano bang nangyari sayo?

Pagdating sa hospital tumakbo na kaagad ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung nasaang parte ng hospital na ako.

Naiyak ako nung maalala ko yung panaginip ko, yung kaba ko. Ganung-ganun. Yung takot ko, parehong-pareho.

Ano ba to? Wag naman sanang maging tragic ang ending....

Pagliko ko sa isang corridor, nakita ko yung malaking sign na ‘Emergency room’ tumakbo kaagad ako papunta doon.

Bubuksan ko na sana yung pinto kaso pinigilan ako nung isang nurse,

“I’m sorry, maam. Hindi po pwede pumasok.”

“But my dad is there! He’s in danger!!” sa mga oras na yun gusto ko na magwala.

“I’m sorry..” sabi niya at umalis na

Naiwan akong nakatayo dun. Walang kaalam-alam kung anong posibleng mangyari.

Nakakita ako ng maliit na siwang sa pinto. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na sumilip.

Pero nagsisi ako nung makita ko kung anong nangyayari sa loob ng E.R.

Parang biglang nanghina yung tuhod ko, napaiyak ako lalo. Nakita ko kasing andaming nakakabit na tube at parang wire thingy kay dad.

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon