Chapter 31 - Vigan-Pagudpud

33.9K 390 59
                                    

I'm back!! medyo okay na ako! Hahaha ^__^

Eto na, hinabaan ko na. pambawi sa matagal kong pagkawala :")

Sorry sa kinalabasan, patago ko kasing tinatype 'to xD Nabasa kase ni Daddy, tapos natunton ng kapatid ko yung account ko, so yeah! xD

__________________________________________________________

"Ladies and Gentlemen as we have have commenced our final descent into XXX would you kindly fasten your seat belts and return your seat to the fully upright position and ensure that your tables are stowed.”


Tinapik ko si Kath nung marinig ko yung sinabi ng FA, “Gising na. maglaland na tayo” Dumilat naman siya at nagkusot ng mata, tapos nginitian niya ako.

Nakita kong nag sign of the cross pa siya habang paland yung eroplanong sinasakyan namin. That’s why I love her!

Nung nakababa na kami ng eroplano, inintay na namin yung mga bagahe namin. Pansin kong parang nakakunot yung noo ni kath kaya inakbayan ko siya at, “Bakit may layers yang noo mo?”


Pinalo niya yung braso ko at natawa siya, “Sira! Nagtataka lang” tinignan niya ako, “Akala ko ba Pagudpud? Eh bat nasa Vigan tayo?”


Sabi ko na nga ba eh. Tinapik ko yung noo niya, “Di ko pa kase napapatayo yung airport sa Pagudpud eh, kaya dito daw muna tayo sa Vigan”


Kinurot niya ako sa tagiliran, “Ewan ko sayo!” tapos nagcross arms siya. Bakit kahit napipikon na si Kath, ang cute pa din niya? :”>

Nung nakuha na namin yung mga bagahe namin, lumabas na kami ng airport at pumara ng taxi. At dahil 8pm na rin, dumiretso muna kami sa isang restaurant. Panigurado gutom na ‘tong magandang piranha na kasama ko.

After namin kumain, nagtaxi na ulit kami at dumiretso naman sa bahay ng mga kaibigan ko. Pagdating doon winelcome naman nila kami. Kahit na kase ilang taon na kaming hindi nagkikita ng mga ‘yan, hindi pa rin nagbabago yung friendship namin. solid pa din.

“Brad!!” bungad nila saakin pagbaba namin ng taxi ni Kath, “Akin na yan, tulungan na namin kayo” offer nila tapos kinuha na nila yung mga bitbit ni Kath

“Thank you” sagot naman ni Kath

“Pare, girlfriend mo?” tanong ni Lester

Tumango ako, “Kaya layuan niyo yan, mga peste!”


Biglang nagdabog si Kats, “Akala ko ba ako lang—Aray! Joke!” tapos ng peace sign siya. Siraulo kase, nakatanggap tuloy ng tig-iisang batok galing saamin.

“si Kath nga pala! Kath, tropa ko. Si Lester, Sed at Katsumi” pag-iintroduce ko habang tinuturo yung mga kaibigan ko

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon