Chapter 26 - The Bahamas

30.1K 354 55
                                    

Sorry po sa kinalabasan ng chapter na 'to xD Katamaran + kilig = chapter 26 xD Kase nga tinatamad ako. Eh biglang umiksena si crush at pinakilig ako kanina, kaya ayan nainspire akong magtype xD

Dedicated kay colaie, salamat sa pag inbox :D

______________________________________________________

‘Now arriving at The Cove Atlantis, Paradise Island, Bahamas. Enjoy your stay!’


Nagising ako nung narinig kong nagsalita yung tour guide namin. Ordinary tour na lang din kase yung kinuha namin, ang boring naman kung private tour diba? Kahit maraming nagpapapicture, ayos lang! Masaya naman eh :P

“Welcome to The Bahamas, sir!” bati saakin nung babaeng halatang nagpapacute habang sinasabitan ako ng bulaklak. Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok sa hotel.

“Ang ganda dito, good choice hon!” rinig kong usapan nila mama

“Oo nga, hon. For sure makakarelax tayo dito!”


Sana parati na lang silang ganyan. Walang away away. Just love!

Pagkapasok sa lobby ng hotel napakunot yung noo ko nung Makita kong parang ang daming naghihintay saamin. At nagulat na lang ako nung may biglang may flash sa mukha kong gwapo!

“Mr. and Mrs. Padilla are here!!!” sigaw nung isang lalaki at nasitakbuhan naman silang lahat papalapit saamin. Paparazzi? Media? Hanggang dito ba naman?!

“Mr. Rommel, bakit po Bahamas ang pinili niyong pagbakasyunan?”


“Naayos na po ba yung problema sa companya ninyo?”


“Ano pong masasabi niyo at kumpleto ang pamilya niyo ngayon?”


“Bumalik na po ba sa ayos ang sales ng companya niyo?”


Sunud-sunod na tanong ng media. Hanggang dito ba naman naririnig ko pa rin yang company nay an! Yun din ang isa sa dahilan kung bakit nakakainis maging anak ng mayari ng isang sikat na company eh. nawawala na ang privacy niyo! Tignan mo, dapat oras namin to para magrelax, pero andito ang media, nakikigulo!!

Sinubukan namang sagutin ni Papa yung mga tanong pero lalo silang nagkakagulo. Lechugas, akala mo naman One Direction yung pinagkakaguluhan nila!!

Dahil sobrang ingay at gulo na, dumating na yung mga guards ng hotel at hinarangan na yung media para makaakyat na kami sa room namin. Haiissst! Paano naman kami mag-eenjoy kung ganito?!

Pagdating sa hotel room, napanganga ako. Ang ganda ng view! Kitangkita mo yung kulay asul na dagat, putting buhangin at mga sexing babae na nakatwo piece!!

“Tara na, Pa! Pasyal na tayo!” aya ko kay Papa

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon