MISSION 25 (EDITED)

246 17 3
                                    






MISSION 25:



















•••
•••



















Walang adviser na pumasok hanggang sumapit ang lunch time. Sabay-sabay din naman kami nina Sheena, Jasmine at Charline na kumain sa Cafeteria. Kalat na'rin ang balita. Kalat na kalat na pagbabalik ni Krissy Mae Puertovilla. Sikat pala ang maarteng iyon dito. Tss!

Doon nanaman kami pum'westo sa kung saan kami umupo kanina. Malapit sa table ng mga Mysterious Persons. Patapos pa lang kaming kumain ng maramdaman ko ang biglaang pagsama ng hangin. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain dahil sa biglaang pagdating ng maarte babae na iyon. Tss!

Kasabay nun ang pagpasok ng mga feeling F4 sa Cafeteria kaya halos napatingin sa kanila ang lahat. Tss!

Napansin ko na papunta sa gawi namin ang maarteng babae na iyon.

"Hi!" pagbati niya sa aming lima. Plastik naman. "Can I sit here? May sasabihin lang kasi ako sa kanya." sabay tingin sa akin.

Nakikita ko sa mga mata ng kasamahan ko ang pagdadalawang isip. Kahit na ayaw nila, pumayag sila. Hindi ko lang alam kung bakit, siguro may reason sila na hindi ko alam. Madali lang namang sabihin na 'Hindi pwede!', pero bakit hindi nila 'yun sinabi? Tss!

"I just want to say sorry."

Muntik na akong napangisi dahil sa ginawa niya. Kung kahapon ay nakapawalang hiya ng pagmumukha niya, ngayon ay para na itong aso na humihingi ng pagkain. Tss!

Ngunit, nginitian ko na lang siya ng tipid sabay tumango. Wala akong balak makipag-usap sa babaeng pinipilit ang sarili na maging mabait sa paningin ng iba. "By the way, my name is Krissy Mae Puertovilla."

Pinakilala mo na ang sarili mo kanina. Tss!

"And you are?" tanong niya.

Hinintay ko na maglahad siya ng palad niya. Hinintay ko na ilalahad niya ang kaniyang palad para makipag-kamay. Ngunit, Hindi niya iyon ginawa. Dahil alam kong napipilitan lamang siya sa pinaggagawa niya ngayon. Napipilitan lang siyang humingi ng 'sorry'.

Okay lang, lumagpas naman sa kabilang tainga ko ang sinabi niya. Tss!

"May Moon." walang gana kong sagot sa naging tanong niya.

Tinapos ko na kaagad ang kinain ko. Hindi ko alam bakit kailangan niya pang pilitin ang sarili niya na humingi ng sorry na nagmumukhang napipilitan lang. Kung sa tingin ng iba na sincere talaga ang maarteng Krissy Mae Puertovilla naito. Pwes! Huwag ako. Huwag sa akin. Dahil kahit anong acting niya pa diyan ay malalaman at malalaman ko pa'rin na plastik lahat ng pinapakita niya.

Matapos nun ay umalis na siya, lumapit siya sa table ng mga Feeling F4.

Inutusan ba siya na gawin iyon? Kung totoo man, malamang Isa lang ang mga feeling F4 na iyon ang nag-utos. Hindi man ako sigurado, pero sa tingin ko si Darren Jay ScheZinger ang nag-utos sa kanya.

Pero bakit nga ba niya siya uutusan para lang humingi ng sorry? Hindi naman masakit ang ginawa nung maarteng babae na iyon.

Or dahil ba sa naalala niya ako kay Mary Faith Del Monte na gusto niya? Kaya pinoprotektahan niya ako? Ayaw niya akong masangkot sa gulo nilang Class E?

MM Series 1: MAY MOON MISSION CLASS E (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now