MISSION 33 (NEW)

10 1 0
                                    

MISSION 33:




•••
•••





"No thanks." walang ganang sagot ni Darren Jay ScheZinger.

"Ayaw niya sa'yo' Sheena, o baka iba ang gusto. Boss sino ba gusto mong magtuturo sa'yo'?" tanong nito ngunit hindi sumagot si Darren. "Dali na boss! Sino ba? Free si Sheena, si Jasmine din, si Charline, si Nathalie, atshaka si Merrie, Batterly, Sonya, Sophia. Si Lea din free. Mahirap talaga kapag matalino, madaling matapos, kaya pili na boss."

L*nt*k talaga 'tong si Leo.

"Hoyyy! Bakit nasali ako sa choices na'yan? Excuse me, busy ako Leo. Tse!" boses ni Batterly.

"Ako din. Hindi ako puwede noh." si Jasmine.

"Same here." si Lea.

"Ako din kaya nohh." wika ni Sonya.

"Edi kayo na! Puro kayo ayaw! Bakit? Sa tingin niyo may pipiliin talaga sa inyo si boss?! Naku, huwag na kayong umasa! Mahirap umasa sa n——"

"I want May to be my tutor."

Katahimikan. Natahimik ang kaninang maingay. Bigla silang natahimik dahil sa narinig mula kay Darren Jay ScheZinger.

"—ngayon."

Napaangat ang tingin ko sa kanilang lahat. At nagpalit-palit ang tingin nila sa aming dalawa. Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko nang mapalingon 'din sila kay Darelle Jayson ScheZinger.

Alam ko ang nasa isip nila. Lalong-lalo na...

Siya,

Darelle Jayson ScheZinger...

Ilang sandali lang ay binasag ng Kuya ni Darren ang katahimikan. Bigla siyang humalakhak ng tawa. Nakatingin sa akin habang natatawa. Nagtaka tuloy ang mga kaklase ko sa inaasta niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin, at naalala ang sinabi niya sa akin nung nagka-usap kami. Iyon ang gusto ko ng kalimutan. 'Pilit kong kinakalimutan. Nakalimutan ko na sana, kaso...

Pinaalala niya.

'You're not my type. Kamukha ka lang niya pero iba ka sa kan'ya.'

Gusto ko siyang suntukin sa mga oras na iyon, kaso naalala ko yung totoong pakay ko kaya hindi ko na itinuloy pa. Tss!

'Siya. Laging nakangiti. Ikaw, pinaglihi ka Full Moon.'

Tss! Pinaalala niya talaga ang gan'yang klase ng halakhak niya.

"Jay, I think May doesn't want to be your tutor. So, can I? Ako na lang since ayaw niya naman." maarteng sabat ni Krissy Mae Puertovilla.

Kaya sa kan'ya na napatingin ang lahat. Wala lang sa kan'ya ang masamang tingin ng iba. Para bang hindi sila nag eexist sa paningin niya.

Ang reason kung bakit may naalala ako, sa paraan ng pag-halakhak, ay naalala ko 'din ang huling nasabi niya sa akin.

'My brother, likes her so much... And when he gives you rights, that means you are part of his life...'

Then, naalala ko ang sinabi ng kapatid niya, 'I want May to be my tutor...'

"Wala naman akong sinabi na ayaw ko." Nagsalita na ako.

Galit na galit naman akong tiningnan ni Krissy Mae Puertovilla, pero hindi ako natakot.

Mas nakakatakot ang mga tingin ni Hera keysa sa iyo. Tss!

"Wooohhh! Yun naman pala!"

"Pinatagal pa. Eh papayag din naman. Naku! May talaga."

MM Series 1: MAY MOON MISSION CLASS E (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now