MISSION 12 (EDITED)

222 13 1
                                    

MISSION 12:














•••
•••













At Magkaibigan si Mary Faith Del Monte at Sheena Claire Morales. Ibigsabihin lang... May alam si Sheena tungkol sa kan'ya?

Kung ganun... Siya pala ang magiging daan ko para malaman ko ang tungkol kay Mary Faith Del Monte.

Bakit siya pinatay? Bakit wala man lang nakakaalam sa pagkamatay niya? Matagal na ang nakakalipas pero wala pading nakakaalam? Talaga bang sinadya yung hindi ipaalam o sadyang magaling lang talaga ang pumatay sa kan'ya at nagawa niyang itago ang likod ng pagkamatay ni Mary Faith Del Monte?

May isa pa akong narinig sa usapan ni Sheena at nang Kuya niya. Gusto nang kuya niya na tumigil na siya sa kahibangang ginagawa niya pero hindi titigil si Sheena hanggat hindi niya malalaman kung sino ang pumatay nito. At kailangan niya ng tulong namin ni Aphrodite.

'D*mn it! Bakit ba halos lahat kayo ay hinahanap pa'rin ang kung sino mang tao ang pumatay sa kan'ya?! Bakit halos nadadamay kayo sa pagkamatay ng babae—'

LAHAT KAYO!? Sinong tinutukoy ng Kuya niya na lahat kayo? Ang taga Class E? Pero Impossibleng naghahanap din ang Class E tungkol sa pagkamatay ni Mary Faith. Kasi halos nasa Room lang sila, inaabala ang mga sarili na gumawa ng kababalaghan eh.

So ibigsabihin... Hindi lang nag-iisa si Sheena sa paghahanap kung sino ang pumatay kay Mary Faith Del Monte. May kasama siya. Kung iisipin ko, ay baka naghiwa-hiwalay sila sa paghahanap ng information tungol sa pagkamatay niya.

Bumuntong hininga ako.

Wala naman'g masama kung uunahin ko kung saan nag simula ang lahat.

Kung talagang gusto kong bumalik ang dating Class E ay si-simulan ko kung saan nag simula ang lahat.

At 'yun ay ang alamin ang dahilan ng pag-kamatay ni Mary Faith Del Monte. Siya ang dahilan kung bakit nag ka ganun ang Class E kaya siya ang u-unahin kong alamin.

Mission: Sex Room ...

Find the truth about Mary Faith Del Monte ...

Behind her mysterious death ...

Kung ano nga ba siya sa Class E ...


THREE DAYS from now on, magsisimula na ang tinatawag nilang Bloody Athlete Game. Pagkadating palang namin ni Aphrodite sa Classroom ay halos busy ang lahat sa kakapractice. Wala narin nag tangkang magtapon sa'kin ng Dagger. Tss!

Pagka pasok pa lang namin ay sina Charline at Jasmine kaagad ang nilapitan ni Aphrodite. Habang ako ay napasulyap ng palihim kay Sheena. Hangang sa makaupo ako ay nakayuko lang ang ulo niya. Naramdaman niya ang titig ko kaya napa-angat ang tingin niya sa'kin sabay ngiti. Yung ngiting pilit lang. Pinilit niyang ngumiti kaso nagmumukha na itong ngiwi. Tss!

Alam kong may sasabihin siya. Alam kong may gusto siyang sabihin dahil kitang-kita ko ito sa mga mata niya. Kaso ilang minuto na ang hinintay ko nang wala akong marinig mula sa kan'ya. Nakatitig lang siya sakin. Para bang may binabasa siya sa mukha ko, nang wala siyang makita ay sumuko na lang siya.

Puro practice ang kaganapan sa buong Classroom. Ibat-ibang klase ng mga Sandata ang mga hawak nila at kadalasan sa kanila ay sinadyang itapon sa ibang kasamahan nila.

MM Series 1: MAY MOON MISSION CLASS E (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now