MISSION 23 (EDITED)

200 15 3
                                    


MISSION 23:





















•••
•••





















Nagsimula na ang game namin. Inikot na ni Charline ang bote at nauna iyong tumambad kina Sheena at Jasmine. So ibigsabihin sila ang unang magtatanong sa amin. Pero dapat Isa lang, may Isang Rule kami.

Rule 1: Kahit anong tanong puwede'ng itanong. Basta, bawal mag pass. Tss!

"Paano kayo napasok dito?" ang tanong kaagad ni Jasmine. Nagsalubong naman yung kilay ko sa tanong niya. "I mean, paano kayo napasok sa Class E?"

Malamang nag enroll. Tss! Pero mali.

Ako ang sumagot sa tanong niya. "Bumaba kasi yung Grade namin ni..." tatawagin ko pa sana siyang 'Aphrodite'. "... Dite." Tss! "Napabayaan namin ang pag-aaral namin. Kaya inilipat na lang kami ng parents namin dito sa University, at napunta sa section niyo." pagsisinungaling ko.

Hindi din naman nila mabibisto na nagsisinungaling ako dahil mahilig ako sa mga ganito. Pero ginagamit ko lang kapag kailangan.

Ang totoo naman kasi ay si Papa ang nag enrolled sa amin dito. Dahil sa isang Mission.

Ang Mission ko sa Class E. Tss!

Sunod-sunod ang naging laro namin. Papabalik-balik ang mga bote namin. Palit-palit kami ng tanong ni Aphrodite sa kanila. Minsan ay about na sa mga hilig namin ang mga itinatanong namin.

Hinihintay ko yung oras na kung saan ay itatanong ko na ang gusto kong itanong. Sinadya ko ito na ganito ang gagawin namin dahil may gusto akong malaman. Konfirmahin kung tama nga ang nasa Diary ni Mary Faith Del Monte.

Nang iikot na ni Charline ang bote ay sa amin tumambad. Ako na ang magtatanong dahil tapos na si Aphrodite.

Sumandal ako sa sandalan ng upuan. "Kaibigan ba kayong tatlo ni Mary Faith Del Monte?" diretsya kong tanong.

Nagulat sila sa tanong ko. Tss!

Isa-isa ko silang tiningnan tatlo, para malaman nila na sila ang tinutukoy ko.

"O-oo." si Jasmine ang nagsalita. "Kaibigan kami ni Faith noon." may halong lungkot ang boses niya.

So 'Faith' pala ang tawag nila sa kanya?

Faith...

By it terms strong belief or trust in someone or something.

Bagay din naman sa kanya yung pangalan niya.

Inikot ulit ni Charline ang bote at sa amin ulit 'yun tumambad. Hindi pa man nagtatanong si Aphrodite ay mababakas ko na parang gusto na nilang tumigil sa paglalaro kaso hindi sila nagsalita. Nasabi ko na'rin kay Aphrodite ang kadugtong nang nabasa ko sa Diary.

Habang naglalakad kasi kami papalabas sa Dorm ay mahina kong ikinuwento sa kanya, pati yung kahapon na nabasa ko, kaya may alam na siya tungkol sa Diary ni Mary Faith Del Monte.

"Bakit wala kayong mahanap na ebidensiya sa pagkamatay ni Mary Faith Del Monte?" tanong ni Aphrodite.

Napatingin naman ako sa kanya. P*ny*t*! Nakalimutan ko ata na straight-forward pala magtanong ang isang 'to. Bakit doon pa talaga tungkol sa pagkamatay ni Mary Faith Del Monte ang itinanong niya?

MM Series 1: MAY MOON MISSION CLASS E (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now