MISSION 32 (NEW)

11 1 0
                                    

MISSION 32:
















•••
•••


















Hindi man silang lahat na nandito, pero sapat na iyon para humanga ako, dahil na-realized nila na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan nilang manatili sa Class E. Na hindi nila kailangang pabayaan ang pag-aaral nila, kaya hindi ko na sila pinahirapan pa. Tumango ako. Nagsigawan naman sila. Kaya nabahala tuloy ako dahil nasa Library kami. Walang Librarian na sumuway or kahit na mga studyante na nandidito, dahil pati sila ay hindi makapaniwala sa nakikita.

Nagsi-upo sila sa kani-kanilang table. Pero s'yempre malapit pa'rin sa mesa namin ni Aphrodite. Kumuha kami ng libro mga at hinanap din nila ang kaparehas nun. Silang Fifteen ay may hawak na tig-iisang libro, 10 Girls and 5 Boys lang kase silang nandito, kasama na sa Girls sina Sheena, Jasmine at Charline na nakangiti.

So may naiwan pang 17 sa Classroom. Kasali na diyan sa 17 sina Krissy Mae Puertovilla at Darelle Jayson ScheZinger. Tss!

Ako ang naging teacher nila, assistant ko naman si Aphrodite. Sa tuwing tinuturo ko sa kanila ang nasa libro, siyempre hindi naiwasan na may magtanong, pero lahat ng tanong nila ay parehong nasasagot namin ni Aphrodite. Kung kanina din ay medyo konti lang ang mga studyante dito sa library na pinapanood kami, ngayon ata ay dumami na. Madaming nakasilip sa bawat BookShelfs. Wala na'ring nag-aaral sa kanila. Malamang, sino ba naman ang makapag focus sa pag-aaral kung halos lahat sila ay nasa amin nakatingin? Isali mo pa na ang lakas ng mga boses kung magbubulong-bulungan. Tss!

Boses lang nila ang naririnig sa buong library, kasali din pala ang boses namin ni Aphrodite. Tss! Umaabot kami sa punto na nagsisigawan sila dahil nakatama sila ng sagot sa bawat tanong namin. Nagbibigay kami ng mga tanong sa kanila para malaman kung talagang naiintindihan nila ang nasa libro at sa naging paliwanag namin. May ilang nakatama pero s'yempre hindi nating maiwasang magkamali.

Sa nakakatama ay sisigaw sila, sa mga nagkamali, may punishment. Oo, mga g*g* sila. Sila ang naka isip ng gan'yan. Sa bawat maling tanong ay pipili sila na kung "Truth ba or Dare". Depende na kung sino ang magtatanong sa kanila. Basta, isa lang dapat. Nagtaka nga ako kung bakit wala man lang librarian na sumuway samin eh mukhang ginawa na nilang classroom ang library. 'Balewala din sa kanila ang ilang nanonood, basta makapag-aral lang sila.' 'Yun ang nakikita ko sa mga mata nila. Sa bawat ngiti at tawa nila. Masasabi ko talaga na noon pa lang, sa Bloody Athlete Game, ay kung gusto nila, gagawin nila, paghihirapan nila. Kung gusto nilang manalo doon sa Bloody Athlete Game gagawa sila ng paraan para manalo, at ganun din ngayon, gusto siguro nilang makapasa sa Exam, kaya nagpupursigi silang mag-aral, para makapasa.

Natapos ang dalawang oras sa pagtuturo ko sa kanil, kaya nagpaalam na ako na kailangan ko nang magpahinga. Napapansin ko na konti na lang ang nanonood sa amin. Umalis ang limang lalaki, nagpaalam na mag-c-cr daw muna sila. Tapos na kaninang mag Cr ang mga babae, kaya sila naman daw. Sa kanilang lahat si Sheena, Jasmine at Charline ang mabilis na natuto, kaya sila ang sumasagot sa bawat tanong ng mga kaklase namin.

Ilang minuto lang ay bumalik na sila, pero nagulat kami dahil may dala na silang mga pagkain.

"Oh, bawal mag-pa gutom! Kain muna tayo!" Nagsigawan ang lahat.

P*ny*t* naman! Seryoso ba sila? Ginawa na nga nilang classroom ang Library tapos may balak pa silang gawing Cafeteria? Tss!

Isa-isa silang kumuha ng pagkain. Mas'yadong madami ang mga dala nila, kaya kuha lang sila ng kuha kung gusto nila. Ang iba ay nahihiyang kumuha kaya silang mga boys na mismo ang nag a-adjust para mabigyan sila.

Himala.

"May sobra, para kay May at Dite 'to." Nagtaka ako sa winika niya. "Para sa'yo' 'to May," Ibinigay niya sa'kin ang isang paper-bag. Nagtataka ko naman 'yung tinanggap. "At sa'yo' naman to Dite." ganun din naman si Dite.

MM Series 1: MAY MOON MISSION CLASS E (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now