MISSION 45 (NEW)

8 1 0
                                    




MISSION 45:









•••
•••















Nagkatinginan ang dalawang magkapatid.

"Ahh... Si Kenster..." nag-aalinlangan pa kung sasagutin ba ni Li. "Nasa bahay. Naiwan."

Tinitigan ko siya sa mata, tinitingnan kung nagsisinungaling ba. Pero nang masiguro na walang pagkailang, ay tumango-tango na lang ako.

Mabuti 'yun, dahil kung nandito siya sa University, baka mabaril ko siya nang wala sa oras. Hindi nanaman magiging okay si Aphrodite. Baka babalik nanaman siya sa dati dahil sa presensiya niya. At 'yun ang ayokong mangyari.

"Thank you so much." wika ni K.

Nanibago ako. Okay.

"Pero kailangan na naming mauna. May klase pa kase kami eh." paalam niya.

"Anong oras class niyo?" napatanong ako.

"Ngayon." sagot niya na may konting ngiti sa labi.

"Late na kayo?"

"Oum." sagot ng magkapatid.

Kung titingnan sa oras ngayon, late na sila ng fifteen minutes. Pero, wala akong nakikitang pagkabahala sa mga mukha nila, parang normal lang sa kanila ang ma late.

"Sige."

Isa-isa na nila akong tinalikuran. Napatingin ako sa gawi nung Cipher, at nag-tama ang mga mata namin. Napansin ko na parang wala siya sa kan'yang sarili. Para siyang nasa malalim na pag-iisip. Parang pinapahiwatig sa mga tingin niya na may gusto siyang itanong, kaso walang lumabas sa kan'yang bibig.

Napabuntong hininga siya. "Punta na ako May," Siya na ang umiwas ng tingin. "X."

Nang makaalis na sila ay pinagpatuloy ko ang panonood sa paligid na kung saan wala na ang kakahuyan. At napa-isip ako, malapit na akong mag college at naka-planado na sa Korea ako mag-aaral. Kaninong utos? Kina Papa at Mama.

Sa ngayon, nasa Korea na sila, maliban kay Papa. Nagpa-iwan siya. Last Month lang ay sumunod si Mama kay Phoebus, my brother. Na kung saan ay doon na siya nag-aaral. 

"Why can't you look at me?"

Hindi ko napigilan na magulat, nang biglang may nagsalita sa gilid ko. Familiar na ako sa boses kaya dahan-dahan ko na itong nilingon. Pero kagaya nang dati, nasa paanan niya pa'rin ako nakatingin.

Akala ko ba umalis na siya? Bakit nandito pa siya?  Bakit nandito si Kuyang Class D?

"Is there something wrong? Do you have a problem with me?" tanong niya na nababakas ko ang pagkaseryoso nito.

Umiling ako sa tanong niya. "Then why can't you look at me?"

Natigilan ako. Napaamang ang labi ko.

"Kasi kapag tumingin ako sa'yo'. Makikilala mo ako." mahina kong wika, per sapat na para marinig niya.

Ilang segundo na ang lumipas, hindi pa'rin siya nagsasalita. Wala akong narinig na boses mula sa kan'ya, pero nakita ko ang paggalaw ng kamay niya para may kunin sa mukha niya. At nang makuha niya na ito, nakita ko ang isang reading-glassess, na nasa kamay niya na.

"Is that why you can't look at me because you know there's something in my reading glasses?" tanong n'ya na mukhang alam din naman n'ya ang sagot.

Bigla siyang napatawa, na naging dahilan para magulat ako. "Mysterious. I like it."

MM Series 1: MAY MOON MISSION CLASS E (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now