MISSION 46 (NEW)

7 1 0
                                    







MISSION 46:














•••
•••















Nagsimula silang ma-adik sa S*x, dahil kay Darren Jay ScheZinger. Hindi, kusa silang pina-adik ni Darren. Pinalabas nila na nagbakasyon si Mary Faith Del Monte dahil utos ng pamilya nila. Pero may nagpakalat na narape ito kaya ito nagbakasyon, si Krissy Mae Puertovilla ang nagpakalat. Hindi napigilan ni Darren Jay ScheZinger ang kan'yang emotion sa panahon na iyon, nagpakalasing siya, isinama ang Ilan sa mga Class E, at nauwi sa hindi inaasahang pangyayari.

Isang taon ang lumipas, may bagong studyante ang dumating sa Class E, simpleng babae lamang ito, ngunit, wala siyang alam sa rules ng Class E, kaya nauwi sa hindi inaasahang pangyayari ang kan'yang buhay. Ginahasa siya ni Darren Jay ScheZinger at pinilit ang iba na gawin ito, dahil kung hindi, may mangyayaring masama sa kanila.

Tinitigan ko ang lalaking nagsimula ng kababalaghan dito sa Classroom. "Masaya ka ba sa ginawa mo noon?" tanong ko.

Tinitigan niya rin ako pa'balik. "I am not happy. I regret it now."

"Dapat lang." pinakita ko sa kan'ya na seryoso ako. "Dapat nga matagal ka ng kinasuhan ng Rape."

"I know."

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko, kaya kinuha ko ito at sinagot nang hindi tinitingnan kung sino. "Hmm?"

"Paki loud speaker naman Artemis."

Athena... "Okay." at sinunod ko ang gusto niya. Niloud-speaker ko ang cellphone ko.

"Hello Class E!" bati niya sa kanilang lahat.

Nagtaka naman ang iba. "Is that..."

"Yung nasa speaker? Nung time na kinidnapped tayo? Siya 'yan diba?"

"I think so? Familiar kasi ang boses niya."

"And she called May, ibigsabihin magkakilala sila?"

"May number pa sila sa isat-isa."

"She helped us right? Siya yun eh. Sure na sure ako."

"Ehem ehem! Listen Class E, I want to inform this, that your Class President, Darren Jay ScheZinger has committed a crime."

Katahimikan ang namayani sa buong Classroom. Lumipas ang Ilang minuto ay walang nagsalita sa kanila. Walang bumasag sa katahimikan. Lahat ay napasinghap sa gulat. Kaya, pinagpatuloy ni Athena ang sasabihin niya.

"You will be charged with the crime of rape."

Tiningnan ko ang magiging reaction ni Darren Jay ScheZinger, at wala akong makitang pagkagulat sa reaction niya. Nananatili lang itong kalmado. Para bang alam niya na na mangyayari ang araw na ito.

"A-a-ano?" sa wakas at may bumasag na ng katahimikan. "N-no! Hindi pwede!"

"Ericka is right! Walang kasalanan si Darren!"

"By using force and threats, Darren Jay ScheZinger, forced a woman to engage in sexual activity." walang sumagot sa kan'ya. Lahat ay natahimik nanaman. "Republic Act 8353, also known as the Anti-Rape Law of 1997, is a Philippine law that defines and penalizes the crime of rape. The law imposes penalties ranging from reclusion perpetua or imprisonment for 20 to 40 years to death, depending on the circumstances of the crime."

Lahat ay nagulat sa narinig. Salubong na ang kilay ng iba habang ang iba naman ay parang walang naiintindihan.

"Tu-tuwenty years?!"

MM Series 1: MAY MOON MISSION CLASS E (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now