MISSION 11 (EDITED)

235 15 2
                                    


MISSION 11:














•••
•••
















"Tigilan mo na ang kahibangan na'to Sheen." biglang sumeryoso ang boses nito.

Nagsalubong na ang dalawang kilay ko.

Pinapahiwatig na kaniyang boses na para bang inuutusan niya ang kapatid niya na tumigil sa kung ano man ang kahibangan na ginagawa nito.

Pero anong kahibangan naman ang ginagawa ni Sheena?

"No! Hindi! Hindi p'wede kuya!"

"Pero napapahamak ka ng dahil sa ginagawa mo!"

"Pero 'mas' mapapahamak ako 'pag hindi ko nakuha ang hustisya niya!." Nagsisigawan na silang dalawang. Tss! "Hindi ako patutulugin ng konsens'ya ko Kuya kung hindi ko man lang malaman kung sino ang pumatay sa kaniya!"

Natigilan ako.

"Gusto kong malaman kung sino ang hayop na taong pumatay sa kaniya! Gusto kong bigyang hustis'ya ang pagkamatay niya!"

Sino?

"Pero labas ka na 'dun Sheen! H—"

"Pero kaibigan ko ang binaboy nila kuya! KAIBIGAN KO! Kaya bilang kaibigan niya. Karapatan kong pangalagaan ang buhay niyang nawala na! Kahit ngayon man lang!"

"D*mn it! Bakit ba halos lahat kayo ay hinahanap pa'rin ang kung sino mang tao ang pumatay sa kan'ya?! Bakit halos nadadamay kayo sa pagkamatay ng babae—"

"Huwag mo siyang tawaging babae! Kuya. May pangalan siya!."

"See!? Kahit patay na ay pinapahalagahan niyo pa'rin. Kahit patay na ay tinuturing n'yo pa'rin na parang buhay pa! Matagal na siyang patay Sheen! Can you please move-on? Kahit malaman n'yo man kung sino ang pumatay sa kan'ya! Kahit makita n'yo pa ang taong may gawa 'nun sa kan'ya! Wala pa'rin kayong magagawa dahil ang patay, ay patay na!—" Isang sampal ang narinig namin.

Hindi ko man tingnan, ay alam kong sinampal ni Sheena ang Kuya niya. Tss!

"I-I hate you," Nanginginig na ang boses ni Sheena. "I hate you Kuya! Wala kang karapatang sabihin 'yan! Dahil wala kang alam! Hindi mo alam ang nararamdaman ko nang makasama ko siya. Nang dahil sa kan'ya, marami akong na-realized na saka ko lang nalaman nang nawala na siya! Malaki ang parte niya sa Buhay ko Kuya!"

Habang tumatakbo ang Oras, habang tumatagal kami dito, ay palakas ng palakas 'rin ang boses nila.

"Kahit madami akong kasalanan sa kaniya, ay tinanggap niya pa'rin ako bilang bestfriend niya! Kaya kahit man lang ngayon! B-bibigyan ko nang hustis'ya ang pagkamatay niya!"

Ang lapit nila sa isat-isa, pero kung magsigawan sila, akala mo namang ang distansiya ng pagitan nila ay hanggang bukid. Tss!

"A-aalamin ko ang dahilan ng pagmatay niya."

"Sheen..."

"Kung pipigilan mo ako, sorry. But I already made my decision. Kung kayo ay hindi pa gumagalaw. Pwes ako, sisimulan ko nang—"

MM Series 1: MAY MOON MISSION CLASS E (UNDER EDITING)Место, где живут истории. Откройте их для себя