MISSION 9 (EDITED)

265 13 0
                                    

MISSION 9:


•••
•••







"Bloody Athlete Game... Class D vs Class E... The Dragons Black Versus The Elites Class..."

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Teacher Morena. Nandito ako ngayon sa hallway, naglalakad papuntang buildng ng Class E. Kahapon lang nangyari ang usapan na'yan at nagsisimula ng gumalaw ang araw.

4 DAYS from now on. Magsisimula na ang tinatawag nilang Bloody Athlete Game. Wala akong alam kung ano ba ang meron sa Bloody Game na'yan. Pero ba-se sa reaction ng mga kaklase ko kahapon sa classroom, nang marinig nila ang binanggit ni Teacher Morena ay halos natuon nanaman ang kanilang attention sa kaniya. Nakikita ko sa mga mata nila ang excitement. Excited sila sa mangyayaring bloody athlete game.

Ilang ulit ko 'rin na hiningan si Athena ng data, baka may himalang mangyari sa laptop niya at makita niya kung ano nga ba ang tungkol sa bloody athlete game nila. Kaso wala, wala talaga.

Pero may isang sinabi si Athena na hindi nawala sa isip ko hanggang ngayon.

'Bloody Athlete Game... First Word...'

Bloody...

Mukang may magaganap na duguan...

Duguang laro?

Patayan?

"Wait!" Napahinto agad ako sa sinabi ni Athena. Suot ko na ang dalawang earphone at na kay Athena 'yun naka connect. "May masama silang binabalak sa'yo' Artemis."

Hindi ko na kailangan pang itanong kung sino ang tinutukoy nilang may masamang binabalak sa'kin. Alam ko naman kung sino-sino sila. Tss!

"They are planing to throw a knife at you."

Alam ni Athena ang mga galaw nila sa loob. At kitang-kita niya kung ano ang ginagawa nila kaya nagsasabi siya ng totoo na mukang may binabalak ata sa'kin ang mga taga Class E.

Tss! Hindi ko pa nga natatapos ang Mission ko tapos gagalaw na sila?

Halos pinaliwanag na sa akin ni Athena ang lahat-lahat. Kung ilan silang nandoon. Completo sila. 30 All. Hawak nina Carl at Owen si Sheena, habang nakatakip ang kamay nila sa bibig niya.

Ang sabi ni Athena, dahil 'daw alam ni Sheena ang pina-plano nila kaya gumalaw na si Ericka, ang maldita ng Class E, Inutos niya na takpan nina Carl at Owen ang bibig ni Sheena para hindi man lang magsalita. Maliban doon, halos sinabi 'din sa'kin ni Athena kung sino-sino ang may pakana ng gagawin nila.

Bale walong tao ang hindi kasali sa kagagahang ginagawa nila Ericka. So sa 30 students ng Class E, 22 students ang kasali, samantalang 5 boys and 3 girls ang hindi kasali sa kabaliwan nila. Tss!

Hinanda ko na ang sarili ko. Huminga ako ng malalim. Habang humahakbang ako paharap, unti-unti 'rin akong lumalapit sa kapahamakan. Ngunit, Wala akong pakialam. Basta ang mahalaga, matatapos ko 'to.

Mabilis ang paningin ko. Sa sobrang bilis ng paningin ko, hindi nakaligtas sa'kin ang lalaking ginawa nilang 'look-out' at nang masiguro na parating na nga ako ay mabilis siyang tumakbo papasok sa loob at ipaalam na siguro sa kanila na nandito na ako.

MM Series 1: MAY MOON MISSION CLASS E (UNDER EDITING)Där berättelser lever. Upptäck nu