MISSION 6 (EDITED)

301 14 2
                                    

MISSION 6:

















•••
•••



























Tumigil na ang sasakyan ni Hestia. Bumaba na ako at nilakad ko ang daan papuntang Main Entrance ng papasukin kong bagong paaralan.

Inayos ko ang suot kong pang Nerdy Glasses.

At dahil bago pa lamang ako, simpleng damit lang muna ang Isinuot ko. Black Tshirt sa loob ng Denim Jacket, High waist Denim Pants na pinaresan ko nang Itim na Boots.

"Positions Done?" rinig ko ang magandang boses ni Athena sa suot kong Earphone.

"Opo Ate Willow!" rinig na rinig ko 'rin sa kabilang linya ang masayang boses ni Aphrodite.

Napangiti na lamang ako. Dahil kung titingnan, mas excited pa siya sa Mission ko na'to, kay'sa sa akin. Tss.

"Yeahh," walang gana kong sagot.

Nandito na ako sa labas ng ScheZinger High University. Nasa harapan ko na ang mataas na pader ng University nila. Gawa sa matigas na bakal. Maganda 'rin ang pagkakadisenyo.

Hindi pa ako pumasok dahil hinihintay ko pa ang signal ni Athena.

Kahapon ay napagplanuhan na namin ang gagawin namin. Tutulungan lang nila ako hanggang sa makapasok ako, hanggang doon lang ang gagawin nila.

Nasa loob na ng ScheZinger High University si Athena. Nasa Rooftop siya ng Isa sa mga abandonado 'rin na building sa university dito. At sa building na'yun, tanaw na tanaw ang Isa pang abandonado 'rin na building na kung saan ay nadoon ang Class E.

Dala-dala pa'rin ni Athena ang kaniyang laptop, kasama ang Binocular na nakasabit sa leeg n'ya. Kasama n'ya 'rin sa Rooftop na'yun ang kapatid n'ya na si Demeter. At dala niya ang Baril ko.

Tss.

Si Demeter ang permanente munang papalit sa puwesto ko. At Ako naman ang pumalit sa puwesto n'ya.

Sa amin'g Anim, Ako at si Athena ang pang Long-range Attack. Kaming dalawa ang mga 'Mata' nila. Sina Aphrodite at Demeter ang pang Close-Combat.

Kaso dahil Mission ko ito, sa akin Ibinigay at humingi lamang ako ng tulong sa kanila, syempre kailangan kong baguhin ang nakasanayan ko.

Ako na ngayon ang gumagalaw. Hindi na ako Mata. Katawan na ako.

Inayos ko ang suot kong Earphone. Naka conference call kaming Tatlo; Ako, Athena at Aphrodite. Sa kabila naman sina Demeter, Hera at Hestia.

"Positions, Done."

Bumuntong hininga ako nang marinig ko na ang signal ni Athena sa suot-suot kong Itim na Earphone. Pumasok na ako sa Gate at nakita naman kaagad ako ng tagabantay na Isang guwardiya.

"Tumigil ka muna Miss." tunog pagbabanta niyang wika.

"Transferee ho ako Kuyang Guard." walang gana kong wika.

"Wala akong natanggap galing sa nakatataas na may bagong studyante na papasok."

Tinanggal ko ang nasa kaliwa kong earphone, kaya Isa na lang ang nakasabit. "Transferee ho talaga ako."

MM Series 1: MAY MOON MISSION CLASS E (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now