MISSION 37 (NEW)

11 1 0
                                    




MISSION 37:















•••
•••



















"Yes! Yes! Nakapasa ako! Sa wakas! Naka pasa! Ako!" Tanging boses lang ni Benmar ang umalingaw-ngaw sa buong classroom.

Tahimik lang ang iba. Hindi ata makapaniwala sa narinig mula sa kan'ya.

Nilingon ko si Aphrodite sa likuran, at ganun na lamang ang pagtataka ko nang pati siya ay nagulat. Tss!

Napabuntong hininga nalang ako at tumingin na ulit sa harapan. Kasabay nito ay napangisi ako ng palihim. Nakita ko kasi ang dahan-dahan na pag-ngisi ni Teacher Morena, kaya hindi ko na napigilan na sabayan siya.

P*ny*ta lang! Hindi ko alam na marunong din pa lang magbiro ang l*nt*k na Teacher na'to. Baliw nga talaga.

"The rest is 91 above!"

Nalaglag ang panga ng ilan. "What?!"

At Ilang sandali lang, nagsigawan na silang lahat.

Maliban sa akin at sa mga feeling F4. Kasama din si Kenneth Chan, Darelle Jayson ScheZinger and Krissy Mae Puertovilla na nananatiling naka-upo lang sa kanilang upuan.

Tiningnan ko si Benmar. Kung kanina ay nandoon ang tuwa at saya sa mukha niya dahil siya lang ang nakakuha ng 90, ngayon naman ay para na siyang binuhusan ng malamig na tubig, natahimik na siya. Hindi niya ata inaasahan ang idadagdag ni Teacher Morena.

Mas'yado kasi siyang nakampante. Tss!

Pero totoo naman na siya lang ang nakakuha ng 90. Dahil ang iba ay 91 pataas na. Bilib din talaga ako sa talino ng utak ni Teacher Morena, pero mas bilib ako na marunong pala 'tong magbiro. Tss!

"Maverick James Revilla, 97."

Isa-isang tinawag ni Teacher ang mga pangalan namin. At ibinigay ang mga test paper namin.

"Diego Samuel Lakson, 97."

Matalino din kaya ang kapatid niya?

"Sean Many Kein, 95."

"Carlo Revilla, 91."

Mas mataas pa pala ang score ng Kuya niya keysa sa kan'ya? Ay, hindi ko pa pala naitanong kay Athena kung magkapatid ba sila or mag-pinsan lang?

"Kenneth Chan..." Napahinto muna siya saglit, parang may sinuri, bago niya ibinigay sa kan'ya. "97."

"Subaru Reo, 95."

Itong si Reo, kasama siya nina Salih Step at Rohan sa muntik nang paggahasa kay Sheena, pero nitong mga nakaraang araw, nakapaseryosong mag-aral. Tss!

"Zuma Zeus, 93."

"Arre Scalet, 93."

"Leo Constalla, 93."

Pareho pa talaga sila ng scores. Sa bagay, pareho nga silang nagbabantay sa bahay sa gitna ng kagubatan sa school na ito. Kaya dapat lang magkakapareho sila, guwardiya sila eh.

"Salih Step Cruz, 96."

Isa din ito, sa medyo misteryoso sa paningin ko.

"Owen Lance Mitsoyushi, 91."

Iyan ang mapapala kapag puro s*x lang ang inaatupag. Tss!

"Jacob James Ventura, 95."

Puwede na Sheena. Malaki naman ang 95. Pasado na siguro siya para sa'yo'. Tss!

MM Series 1: MAY MOON MISSION CLASS E (UNDER EDITING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora