MISSION 12 (EDITED)

Start from the beginning
                                    

Nanibago ako. Himala at hindi sila gumagawa ng milagro.

Napabuntong hininga na lang ako. Sinabihan ko si Aphrodite na lalabas na ako, Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya dahil nauna na ako, kaso hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang mga presens'ya nila.

Mga boses nina Charline, Jasmine at Aphrodite ang tanging maririnig sa buong hallway habang naglalakad kami pa-ibaba ng building. Nananatiling tahimik si Sheena hanggang sa makababa kami ng tuluyan.

Naalala ko bigla ang larawan kagabi. Sa loob ng larawan, makikita doon ang babaeng nangangalang Mary Faith Del Monte, she's wearing a simple mermaid tale silver gown, bagay na bagay sa maputi niyang kutis.

Matapos ko kasing malunod sa malalim na pag-iisip ay may si-nend na picture si Athena sa messenger ko na kailangan ko 'daw malaman. Pero ang ikinagulat ko 'dun ay may kasama siya sa picture.

Nakasampay ang kanang kamay niya sa braso ng lalaking nakasuot ng Itim na tuxedo. Nang matitigan ko ang mukha ng kasama niya ay halos hindi ako makapaniwala nang makilala ang taong iyon.

Si Darren Jay ScheZinger...

Kaya ngayon. Palaisipan pa'rin sa'kin na,

'Magkakilala kaya si Mary Faith Del Monte at Darren Jay ScheZinger?'

Malamang! Oo! Alam ko na ang sagot tapos nagtatanong pa ako? Tss!

Halata naman na magkakilala sila. Dahil may sunod-sunod pa na mga pictures ang si-nend sa'kin ni Athena. Iilan lang 'daw 'yan sa mga nakita niya. Halos lahat ng nasa mga larawan ay si Mary Faith Del Monte at Darren Jay ScheZinger.

Kaya, malamang sa malamang, magkakilala talaga sila.

Hindi lang magkakilala... More than knowing each other sila...

Sa nakikita ko sa bawat ngiti nila sa Camera, ang mga ngiti at saya sa mga mata nila, may something, na hindi ko ma explain.

I think hindi sila magkakilala lang, hindi sila magkaibigan lang, kundi may something sa kanilang dalawa na sila lang ang nakakalam.

Maybe Couple? Lovers? Isa diyan sa dalawang choices. Tss!

TWO DAYS na lang, magsisimula na ang hinihintay ko. Halos araw-araw ay ang kalat ng Classroom dahil sa kagagawan ng mga kaklase ko sa kaka-practice, at halos wala na kaming teachers na pumapasok.

Talagang binigyan sila ng pagkakataon na maghanda sa Bloody Athlete Games nila. SILA LANG! Dahil wala kaming balak sumali nina Aphrodite, Charline, Jasmine at Sheena. Display lang nga kami sa mga upuan nila.

Then FINALLY...

It's JULY 1.

Ang akala ko ay Isa ako sa uupo lang at walang ambag sa palaro nila. Ngunit akala ko lang pala 'yun.

"Alright, listen everyone, Ericka is not here today because she has a family problem, but Class E has another representative. Can we call this new student? Miss May Moon!"

P*ny*t* lang! Isinali pa talaga ako? Akala niyo ba ay hindi ko alam ang dahilan kung bakit wala 'yang Ericka na'yan? Tss! Hindi niyo ako maloloko sa family-family problem na'yan. Kahapon pa lang ay alam ko na. Kitang-kita at rinig na rinig sa CCTV ang mga pina-plano nila.

Hindi isang simpleng sports lang ang Bloody Athelete Game nila. Dahil ngayong araw na'to, ay magkakaroon ng duguang laban. Ibat-ibang mga laro ang meron sila.

Ang laban ngayon ay Class D vs Class E. Wala pa akong alam kung ano nga ba ang dahilan kung bakit naglalaban-laban pa sila. Basta! Ang tanging nasabi kahapon ni Athena bago niya sinabi ang plano ng mga kaklase ko sa Class E, ay ginaganap ito sa unang buwan ng July.

Once in a year mangyayari. At ang dahilan 'daw kung pa'no to nabuo ay ang pagkamatay ni Mary Faith Del Monte.

Since nabanggit ang pangalan niya ay nagkaroon ako ng interest na alamin kung pa'no nasali ang pangalan niya dito sa Bloody Athlete Game. Gayong patay na siya. At gusto ko ding malaman kung sino ang may pakana nito! Lalong-lalo na kung ano ang ginagawa nila sa twing sasapit ang Bloody Athlete Game nila.

Kanina, naging excited si Aphrodite dahil para daw siyang nakakita ng away sa battlefield. Ang Bloody Athelete Game nila ay ginanap sa likod ng Class E Building. Malapit sa kakahuyan pero dito sa area na ito ay malinis at malaki, halos grass ang makikita mo, nandito 'din lahat ng students ng Class D at Class E.

Kanina pa umaga nagsimula ang Bloody Athelete Game nila. Ang una nilang ginawa ay Basketball. Pero may twist, ginawa nilang Killer Basketball.

Akala ko magpatayan ang bawat mag kabilang team nang halos may dala-dala silang kutsilyo. Pero 'yun pala ay imbes na depensahan mo o harangan mo ang kalaban para makadaan ang may hawak ng bola, pero dito ay kailangang kalabanin mo talaga ang opponents mo bago ka makalusot sa linya nila para mag shoot.

WALANG RULES ang Bloody Athlete Game nila. Sabi pa nga ng MC—isang baliw na teacher sa Class D, na habang katabi ang baliw 'din na teacher sa Class E, ay 'Mamatay ang mamamatay! Mabuhay naman ang mabubuhay!'

Tss. Wala talaga silang utak.

"Miss May Moon? Ano pang hinihintay mo? Your opponent is waiting."

Ngayon naman ay magsisimula na ang second game nila. Napabuntong-hininga na lang ako at walang ganang humakbang paharap. Halos naagaw ko ang atensiyon ng lahat.

Pum'westo ako sa gitna ng field—kung saan gaganapin ang Archery. May nag lahad sa'kin ng Bow and Arrow kaya walang gana ko itong kinuha.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-puwesto ng kalaban ko.

Her name is Li. Hindi ako kumbisado na 'Li' lang talaga ang name niya. It's either Nickname niya o Codename niya.

Isa pa sa napansin ko ay ang kakaibang titig niya sa akin. 'Yung tingin na hindi ka niya kilala, pero makikita sa mga mata niya na hindi dapat siya makampante sa kalaban niya. Nararamdaman kong alerto siya.

Tinitigan ko ang hawak kong bow and arrow, habang tinitigan ang katabi ko sa peripheral vision ko. Sa paraan ng pagkakahawak niya sa kaniyang weapon ay mukhang sanay na sanay siya sa ganito.

Maliban din 'doon ay wala ako mas'yadong nababasa sa expression ng mukha niya, pinag-aralan niya siguro ang pagtago ng emotion.

Napabuntong hininga na lang. So hindi lang pala kami ang nandito, may kasama kami, kaso, hindi nga namin sila kilala. O kung saan'g pamilya sila galing.

"Let the Bloody Archery Game Begins!!!" sigaw ng adviser sa Class D.

Sa medyo kalayuan na Lugar, Nakita ko naman Doon sa kabilang peripheral vision ko ang pigura ng babaeng nangangalang Ericka 'Euri' Yu Kein. Tss!

Itinuon ko nalang ang attention ko sa harapan at sa kalaban ko. Unang pum'westo si Li. 10 meters ang titirahin namin.

Nagtaka nga ako kung pa'no naging Bloody, eh halos nakatayo lang ang mga Archers kapag Bow and Arrow. Kukuha ka lang ng force at e-aaim mo ang target at doon iri-released ang Arrow. Kaya pa'no naging bloody? Kung Archery ang pinakaboring na Sports sa Athlete? Tss!

Ngunit nasagot naman kaagad ang tanong ko.

Sa target kasi na Board namin ay may nakatayong dalawang tao na halos muntik na nilang pantayan ang Red-Dot.

Kaya pala, nagmumukha silang bait. At kapag nag-kamali kami ng tira ay didiretsyo sa kanila ang arrow at sila ang tatamaan.

Illegal to ah? Tss! Palibhasa. Mayaman!































TO BE CONTINUED .....




























MM Series 1: MAY MOON MISSION CLASS E (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now