MISSION 9 (EDITED)

Start from the beginning
                                    

Pero kunwari hindi ko nakita. Sige, kung makikipaglaro kayo. Edi sasabayan ko na kayo.

Blanko lang ang expression ng mukha ko habang papasok na ako ng Classroom. Medyo nakayuko ang ulo ko. Kaya nang nasa linya na ako ng pintuan ng Class E. Kasabay ng pag-angat ng tingin ko ay may sumalubong sa'kin na isang Dagger.

Parang nag slow motion ito sa paningin ko, kung titingnan ko, sa ang-gulo ng maliit na kutsilyo ay hindi ito nakasentro sa akin. Papunta ito sa gilid ko, pero kahit hindi man didiretsyo sa mukha ko, madadaplisan pa'din ang pisngi ko. At iyon ang ayokong mangyari.

Hindi ko alam kung sinadya ba or hindi lang talaga marunong ang nagtapon. Tss.

Kaya bago pa man dadaplis sa mukha ko ang Itinapon nila ay mabilis ko iyong hinawakan. Tinalasan ko ang paningin ko at kontrolado ko ang kamay ko para mahawakan ko ang handle ng dagger. Hindi naman ako nabigo dahil isang taas lang ng kaliwang kamay ko ay agad ko na itong napigilan.

Nagulat sila sa ginawa ko.

Napakurap ako ng Isang beses at sinamaan sila ng tingin. Lalong-lalo na 'yung Ericka. Kaya napaatras siya sa takot.

"Kung gusto n'yo akong patayin, huwag dito." Walang gana kong wika sa kanila.

Pumasok na ako sa loob. Naglakad ako papunta sa puwesto nina Carl at Owen na hawak-hawak pa'rin si Sheena. Sinamaan ko sila ng tingin kaya binitawan nila itong binitawan. Dali-dali naman umayos ng tayo si Sheena.

Binalingan ko ng tingin si Carl. Nababakas ko sa mukha niya ang kaba. Tss! "Oh!." Inilahad ko sa kaniya ang dagger na sinalo ko kanina. Nagtaka siya sa ginawa ko kaya napabuntotong hininga nalang ako. Talaga bang hindi niya talaga gets? Tss! "Sa iyo 'to diba? Kaya kunin mo."

Nagulat man sa narinig ay nanginginig niya pa'din inilahad ang palad niya.

Palihim naman akong napangisi ng tipid sa inaasta niya. Tss!

Takot naman pala. Pero kung magtapang-tapangan, dinaig pa batman. Tss!

"P-paono mo n-nalaman?" nauutal niyang tanong.

Nananatiling blanko pa'din ang mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang mga titig ng mga kaklase ko.

Hindi ko nalang iyon pinansin pa. Inilagay ko nalang sa palad ni Carl ang dagger niya, siniguro ko na nakaharap sa kaniya ang naka-ukit na pangalan niya

'CR', iyon ang naka-ukit.

Akala ko nga 'Comfort Room'. 'Yun pala 'Carl Revilla' short for C and R. Tss!

Nakita niya yun pero nandun pa'din ang pagtataka sa mukha niya. Hindi ko na siya pinansin pa. Hinila ko nalang ang palapulsuhan ni Sheena saka bumalik kami sa sarili naming upuan.

Halos nasa akin pa'rin ang tingin ng lahat. Nagtataka, nagtatanong, walang gana, namamangha. Tss!

Bumalik lang sila sa dati nilang pwesto nang nakangisi nanamang pumasok si Teacher Morena.

Ano nanaman? Nasabi na niya na ang tungkol sa Bloody Athlete Games nila. Ano nanaman ang kailangan niya?

Pero... Mukhang...

MM Series 1: MAY MOON MISSION CLASS E (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now