Phone Call

176K 3.5K 276
                                    

Helga's POV

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng maulinigan kong madilim na sa labas.Kanina pa ako nagising ngunit nakatitig lamang ako sa kisame. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa kwarto ko. Ang huling naalala ko ay nakaidlip ako sa mga bisig ng ni Kier.Huminga muna ako ng malalim bago nakapagdesisyon na tumayo at maligo. Baka hinahanap na ako ng mga bata.

Pagkatapos kong maligo ay naghanap na ako ng maisusuot mula sa built-in closet ng kwarto ko. I decided to wear white shorts and just plain blue t-shirt.

Dumiretso ako sa kusina para sana uminom muna ng tubig bago hanapin sina Kier at ang kambal. Wala kasi ang mga ito sa kani-kanilang kwarto. Naabutan ko roon si Hunter na abala sa kakatipa sa kanyang cellphone.

Tumikhim ako. Nag-angat ito ng tingin sa akin. Nandyan na naman ang malalamig nitong mga mata na sinusuri ako.

"Ahm. Nakita mo ba sina Kier?" alanganing tanong ko.Hindi ito sumagot bagkus ay linagpasan ako. "Hunter," tawag ko sa kanya. Lumingo ito sa akin with a blank expression. "I know you don't like me and -- "

"I am." putol niya sa sinasabi ko. Napatitig na rin ako sa kanya. "I like you as a person. You are nice, bubbly and beautiful. No wonder kuya really likes you a lot. But you know what those doesn't matter to me anymore if a person is a fcking liar."

Napasinghap ako. "I'm not a liar, Hunter. Kung iyon ang ipinupunto mo. Kung ano man ang ipinapakita ko sa inyo ngayon ay iyon ako." inis kong sabi. Nainsulto ako sa mga paratang niya na wala namang basehan. Lalagpasan ko na sana siya nang hablutin niya ang braso ko. Mahigpit ang pagakakahawak niya roon.

"Who are you Helga? Or should I say --- heir of Nanny World?"

Hinablot ko ang braso ko mula sa kanya. "Hi-hindi ko alam ang sinasabi mo." kinakabahang sabi ko.

"Or really now?" nang-uuyam niyang tanong. "Narinig kitang may kausap sa telepono noon. At malinaw pa sa akin kung ano ang narinig ko."

Nag-iwas ako ng tingin.

"That you want to get revenge."

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Narinig niya ang usapan namin ni Ate Olga noon. Oh God! No. This is a misunderstanding. Galit lamang ako noon kaya ko nasabi ang bagay na iyon.

"No.No. Magpapaliwanag ako Hunter."

"Save it. Kung ano man ang binabalak mo ay pag-isipan mong mabuti Helga. And don't you dare break my brother's heart. Or else I will be the one who's going to ruin you." banta niya.

"That's not true,Hunter. Ni minsan hindi ko binalak na saktan ang kuya mo. Dahil mahal ko siya. Mahal ko na siya."

"Love? What kind of love? A love full of lies?"

"No. Sinubukan ko naman na pigilan ang sarili ko na maramdaman ito. Dahil alam kong magiging kumplikado ang lahat para sa aming dalawa. Please believe me Hunter. Mahal ko ang kuya mo. At ni minsan hindi ko paghihigantihan si Kier." pagmamakaawa ko.

Natigil lamang pag-uusap namin ng dumating si Alejandra.

"Something wrong?" tanong niya nang makalapit na ito sa amin. Inakbayan siya agad ni Hunter. Pilit akong ngumiti sa kanilang dalawa.

"Nothing,Babe. Bakit ang tagal mo sa telepono. Sino ba 'yung kausap mo?" tanong ni Hunter.

"Iyong klasmeyt ko. Mangongopya na nga lang ang dami pang reklamo. Hindi raw maintindihan yung sulat ko." nakalabing sagot ng nobya nito.

Tumawa si Hunter. Mas malambot ang aura nito ngayon kumpara kanina.

"Kasalanan mo pa pala. Sa susunod kasi ayos-ayusin mo ang pagsusulat." gatong ni Hunter.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon