Romancing 101

207K 3.5K 340
                                    

Helga's POV


Bigla akong nagmulat ng mata nang maalala kong kailangan kong bumangon ng maaga para ipagluto ng agahan ang kambal. Medyo nahilo pa ako dahil bigla din akong umupo kanina.

Inilibot ko ang paningin sa kwartong aking tinulugan.

Bakit nasa kwarto ako ni Kier?

Nasagot din ang katanungan ko nang maalala kong nakatulog ako sa mga bisig ni Kier kagabi.Suot ko pa pala yung damit ko kagabi.

Nalingonan ko ang kambal na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hindi ba dapat nasa kwarto nila ang dalawang ito dahil doon namin sila pinatulog ni Clyde kagabi? Nagkibit-balikat akong hinalikan ang mga ito sa noo. Baka naman inilipat ni Kier nang makaalis na kami ni Clyde.

Isinuot ko na ang tsinelas ko at nagpagpasyahang tumungo sa kusina upang magluto ng agahan. Mamaya na lang ako maliligo tutal ay mangangamoy prito lang din ako.

Nadatnan ko si Kier na nagpriprito. Nakasuot ito ng apron na pink. Napangiti ako nang dahil doon. Para sa akin nakakadagdag sa ka-machohan niya ang kulay pink. Nakatulong din na nakasuot lang ito ng grey na sando at kitang-kita mo ang maalon nitong bisig. Sa sobrang busy niya sa trabaho o alam kung paano niya napapanatili ang kakisigan.

Napalingon ito ng maramdaman niya sigurong may nakamasid sa mga kilos niya.

Ngumiti ito sa akin ng pagkatamis-tamis. Ngayon ko lang nakita si Kier na ganito sa umaga.Madalas pormal ang mukha nito na para bang nasa harap ng boardroom palagi.

I smiled back.

Bumalik ang tingin nito sa priniprito dahil medyo tumitilamsik na ito.


"Good morning! How was your sleep?" tanong nito habang  patuloy pa rin sa ginagawa.Sumandal ako sa may kitchen island. Gawain ko ang pagluluto pero hinayaan ko na lang siya. Mukhang nage-enjoy naman siya sa ginagawa.

"great! hows yours?"

"pretty good. Ngayon na lang ulit ako nakatulog ng maayos." sagot nito.

"eh paano gabi-gabi mong pinaglalamayan yang trabaho mo" panenermon ko.

Tinakpan nito ang niluluto at lumapit sa akin. Binuhat ako nito at pinaupo sa kitchen island na sinasandalan ko kanina. Muntik pa akong mapasigaw dahil sa gulat. Nakatayo ngayon ito sa gitna ng dalawa kong hita.

"Maganda ang tulog ko kasi maganda ang katabi ko."

Napanguso ako para pigilan ang kiligin. He gave me a quick kiss. Pinalo ko ito sa may braso. Natawa lang naman siya.

"what was that for?" tanong ko.

"Your lips were warm and inviting. Can I kiss you all day?"

"Kierrr!" pinandilatan ko ito ng mata.Hinalikan niya ang dalawa kong mga mata na siyang dahilan kung bakit ako napapapikit.

"Magmula ngayon kapag nakikita kong ngumunguso ka,halik ang katumbas niyon. get it?"

Humalukipkip ako at inirapan siya. Hindi ko pa nga boyfriend nakarami na sa akin.

Without asking or seeking permission, he pulled my arms around him.He glued himself to my body and gave me a tight embrace.

Tumatawang yumakap ito sa akin na mas lalong ikinainis ko. He buried his face on my neck and gave me a wet kiss on that sensitive part of mine. Tumaas lahat ng balahibo ko. Ayoko man aminin pero parang may gustong kumawala sa akin na hindi ko maintindihan.

Ang aga-aga.

"Are you flirting with me,Kier?" biglang tanong ko.

Hindi ito agad sumagot.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon