Bonus: 4 years ago as told by Kier

35.4K 547 16
                                    

Bonus 1!

Kier's POV

Helga is a men magnet. I mean, look at her, she get easily acquianted with my cousins wala pa man isang araw dito sa Isla. At itong iba kong mga pinsan na may mga asawa na nga, kung makadikit at makipag-usap kay Helga, nakalimutan agad na hindi na sila single.

They have their own Nannies, right?

Kanina na nga, hindi ko pa man siya naipapakilala sa mga pinsan ko ay iba na sila makatingin sa kanya. The sight keeps playing in my head and it irritates me so out of nowhere, I blurted to the employees that my "wife" is waiting for the casitas to be ready.

At pabalik na nga ako at mas lalong hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko. Iyon nga nakapalibot sa kanya ang mga pinsan ko. Clyde is overly friendly with her at ang Nanny namin mukhang tuwang-tuwa sa pinsan ko.

Mabilis ko silang nilapitan para paalisin na si Helga. Hindi siya tae para dapuan ng mga langaw also known as my cousins.

Pagbalik ko, dyesabel na pala ang secret code nila sa kanya. The fuck. Nag-init talaga ang ulo ko. Madaming isda sa dagat pero ako ang nakahuli sa kanya. I mean I was the one who hired her so why can't they hire their own.

Noong una, akala ko yung nararamdaman kong attraction kay Helga ay dahil lamang she reminded me of my late wife, Johana. Kapag biglang tingin ay masasabing may pagkakahawig sila.

Pero nang minsang titigan ko siya ay napansin kong mas malalim at mapupungay ang mga mata niya, mahirap basahin kung ano ang nasa isip. Yung mga labi niya ay tama lang ang kapal at mapula ito. Hindi siya gaanong maputi at hindi rin ganun ka-morena. Yung mahaba niyang buhok ay malayang nililipad ng hangin. Parang nanonood ako ng shampoo commercial.

I got into my senses when she looked at me and smiled. Nag-poker face ako to hide my embarassment na nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

Kasalanan lahat ito ni Lola. Palagi kapag kinakausap niya ako, lagi niyang ibinebenta si Helga sa akin. She made me think about my Nanny romantically. Siguro may pinainom sa akin si lola o di kaya nag-sayaw siya sa mga nuno dito sa gubat na parte ng isla.

Itinigil ko na lang ang pag-iisip ng naalala ko minsan ang sinabi ni Helga.

"Don't worry your bachelorhood is safe with me."

Good. She is here for pure business and nothing more.

Just the way I like it... the way it supposed to be.

Akala ko iyon ang simula ng tahimik kong bakasyon knowing that me and my Nanny are on the same page, pure business.

I was wrong.

Kinabukasan, nagisnan ko siya sa may kusina. Nagluluto ng agahan. She looked really cute in that pink apron. Tapos tila nakikipag-away ito sa tilamsik ng mantika.

Wala sa sariling napangiti ako. Nagmamadali siyang umalis. Napapailing na lang akong sundan siya ng tingin while sipping on coffee she made for me.

Cooking is not really a part of her job at sasabihan ko sana siya. Kaya lang nagbago isip ko nang makita kong nag-enjoy siya sa pagluluto kahit takot siya sa tilamsik.

She was so domesticated, wife material. Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang naisip. Pero tila nagbiro ang tadhana sa akin dahil bumalik ang naisip ko nang magsimula na kaming kumain. Inaasikaso niya ang kambal ko. Tapos yung mga anak ko parang engrossed na engrossed sa Nanny nila na nakalimutan na ako. We looked like a one happy family in a small house. Hay, wife material talaga.

One thing about her was she act like a nagging wife sometimes. She will boss you out without even talking. I hate it dahil napapasunod niya ako. Nagulat nga ako sa sarili ko dahil ako ang boss niya, dapat pinagsasabihan ko siya. Kaya lang parang nagugustuhan ko pa.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon