Crossing the line

208K 3.1K 150
                                    

 

Helga's POV

Dalawang araw na ang nakakaraan magmula nang mapag-usapan ang pananaw ko sa pakikipagrelasyon. That I said Im not ready for a relationship. And how Kier and Clyde reacted on what I said. Well, kay Clyde hindi na ako magtataka na ganoon ang reaksyon niya dahil since day one nagpaparamdam na siya. I just dont want to entertain the idea because I know he is just goofing around. But with Kier, it feels weird. Bakit ganoon ang reaksyon niya? Hindi ba dapat wala lang sa kanya yung sinabi ko kasi nilinaw na niya sa akin noon na hindi sya magkakagusto sa akin.

With the job that I have right now, it is easy for me to accept the fact that being in a relationship is not for me.

Not yet the right time.

I have been into two relationships. I dated many guys.

But it didnt work out.

Why?

Dahil ayaw nila sa trabaho ko. Hindi nila tanggap na nanny lang ako.

Kahit gaano ako kaganda,madami pa rin ang tumatanggi sa akin dahil sa klase ng trabaho ko.

Ang akala nila isa  akong libro na kapag hindi nila nagustuhan ang cover ay hindi na nila babasahin ang nilalaman.

Too shallow.

They just like what they are seeing outside.

And that I dont need.

I need someone who would see my inner self.

Hindi ako sardinas para isiksik ang sarili ko sa kanila.

There are billions of men in this world.

SIguro naman kahit isa sa billion na yun ay nakalaan para sa akin.

Maghintay.

Yan lang ang kailangan kong gawin.

Dahil ang mga bagay na minamadali ay madaling masisira.

Just like my feelings for Kier.

Yes.

I am attracted to him.

These past few days kasi iba ang pinapakita niya sa akin. Ayokong bigyan ng kahulugan ang mga iyon dahil ayaw kong umasa. At isa pa,sinabi niya na sa akin noon na employer-employee lang ang relasyon namin.

Tapos sabi pa niya na pwede naman kaming maging magkaibigan. Oh hindi ba ang weird niya. Bipolar ata iyon eh.

And besides, what is there not to like?

Pero kailangan ko muna na manigurado. Dahil baka naguguluhan lang ako kasi magkasama kami sa iisang lugar. At palagi pa kami na nagkikita.

Pagkatapos namin na mag-snack kaninang alas-tres ay sinabihan ako ni Kier na siya na lang muna daw ang titingin sa mga bata. Hindi pa daw kasi niya ako binibigyan ng free time for myself. So here i am,exploring one part of the Island. Hindi naman nakakatakot kahit mag-isa lang ako dahil may cellphone naman ako at may mga pathways din dito kung kaya hindi ako maliligaw. Gusto sana akong samahan ni Clyde kanina kaya lang may tumawag naman sa kanya at mukhang importante ang paguusapan nila. Hindi ko rin alam kung saan nagpunta si River, nagmamadaling umalis kanina.

Malayo-layo na din sa villa itong nilalakad ko. Papunta ako ngayon sa may Botanical Garden ng resort. Nadaanan namin yun kanina. Gusto ko sana isama ang mga bata. Hindi bale,dadalhin ko na lang sila dito kapag mayroon pa kaming oras. Hindi na tirik ang araw dahil hapon na. Mahangin pa dito dahil madaming puno. Pinagsisisihan ko tuloy na hindi ako nagdala ng sweater.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon