Revenge

113K 2.3K 182
                                    

Helga's POV

"Kanina ka pa tahimik. May problema ba?" tanong ni Kier. Kasalukuyan siyang nagdi-drive patungo sa townhouse namin ni ate Olga. Ihahatid muna daw niya ako bago sila dumiretso sa Taguig --- kung saan sila nakatira ng mga bata. Nilingon ko muna ang kambal na mahimbing na natutulog sa likuran bago ko siya sinagot.

I rest my head on his shoulder. "Pagod lang siguro ako." sagot ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko.

"Kung may problema ka, you can tell me."

Umiling ako. "Wala. Kailangan ko lang talaga ng tulog."

"Alright. Nagugutom ka ba? Gusto mo dumaan tayo sa drive thru?"

"I'm still full. Thank you." sagot ko. Kumain rin naman kami sa airport kanina. Napaangat ako ng mukha nang may maalala akong itanong. "Nga pala, bakit hindi ka na lang nagpasundo sa driver niyo?" tanong ko. Actually, hindi ko alam kung may family driver ba sila o wala. In-assume ko na lang na meron since lahat ng boss ko dati ay meron. Kasi nga may mga bata sila na kailangang sunduin sa school. Ang asisstant niyang lalake ang nagdala sa aiport nitong sinasakyan namin. I wonder kung may separate car ba na sinakyan yung assistant niya. Bigla na lang kasi itong umalis.

"I fired him." simpleng sagot niya. Napaupo ako ng maayos pero nakahawak pa rin ang kamay niya sa isa kong kamay.

"Bakit naman?" curious na tanong ko.

Tumingin siya saglit sa akin bago itinuon ulit sa daan ang atensyon niya.

"Hmm... He lied to me. Isa sa pinaka-ayaw ko sa isang tao ang sinungaling. Iyon ang klase ng mga taong hindi dapat pa pinapanatili sa buhay ko." seryosong sagot niya.Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Parang kidlat na tumama sa akin ang kanyang mga salita. "I'm a businessman,Helga. There's no room for unworthy people." he said it na parang may pinapatamaan siya. O baka naman imagination ko lamang iyon.

"Ah...ahm oo nga." napipilitang sang-ayon ko. "Nakahanap ka na ba ng bago?" paglilihis ko sa usapan.

Umiling siya. "Nagpapahanap na ako. Ako muna maghahatid sa mga bata sa school bukas habang wala pa akong nahahanap." Pasukan na kasi last week pa kaya lang bukas pa papasok ang mga bata. I assumed na pinagpaalam na sila sa school na hindi muna sila makakapasok.

"That's good. Anong oras ba ang labas ng mga bata? Para ako na lang ang susundo sa kanila." suhestyon ko. Paniguradong magiging busy si Kier bukas dahil sa mga naiwan niyang trabaho.

Hindi ito umimik.

"Babe?" untag ko.

"I have no clue." sagot niya.

Sinapok ko ito kahit na nagmamaneho siya. "KIER FALCON!" hindi makapaniwalang sabi ko. Medyo pabulong iyon dahil ayokong magising ang kambal.

"Babe, alam mo naman na masyado akong busy sa work tapos --"

"Busy? If you really care about your kids, you will find time." sagot ko. I just hate the fact that there are parents who aren't hands on with their kids. Naiinis ako dahil ayokong magaya sa akin ang mga bata na malayo ang loob sa mga magulang.

Hindi na siya sumagot bagkus ay ini-plug niya ang kanyang wireless headphone at may kinausap ito sa kanyang cellphone.

"Hi Ana. How are you? Anong oras ang labas ng mga bata bukas?"

"Yes. I am asking you."

"Okay thanks."

Ibinalik na niya sa bulsa ang cellphone.

"She said its at 12 noon." he answered while looking at me apologetically. I just rolled my eyes. Hindi naman ako galit. Naiinis lang ako sa kanya.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon