Another day, another date

34.2K 707 28
                                    

Helga's POV

Everyone is now boarding a double-decker boat. Lerma decided that we should do snorkelling first before paddle boarding. Bale yung mga tatlong lalaki na balak mag-windsurfing ay nauna na sa kanilang location. Ang mga kasama ko sa aming boat ay sina Kier, Lerma, Romeo, Hunter, Alejandra, River, Clyde and the woman whom Kier was talking to since last night. 

Lahat kami nakaupo na nang magsimula umandar ang boat. Nasa tabi ko si Kier at ang nakaupo sa kabilang side niya ay yung babae. Sa kabila ko naman ay si River na katabi si Clyde. Nasa kaharap namin sina Hunter at ang iba na nagkwekwentuhan na ngayon. 

Sina River ay nagsimulang tanggaling ang beach cover nila. Isa-isang binigyan kami ni Clyde ng life vest pero wala halos may gusto magsuot nito. Yung binigay niya sa akin ay nilagay ko muna sa lapag dahil balak ko tanggalin muna ang dress ko.

I take off my dress to reveal my yellow triangle bikini top and yellow string cheeky bottoms.

"Ate twinning tayo!" sabi ni Alejandra. She was wearing a yellow one shoulder bikini top and a black bikini bottoms. 

Natawa ako. "Oo nga!"

Isinilid ko sa aking tote ang dress ko tapos hinugot ko mula sa ilalim ng bag ang sunscreen ko.

Hinarap ko si River. She is now wearing a cropped long sleeve rash guard over her bikini top.

"Do you have a face sunscreen? I only have for the body."

"Wala ate. Magtatanong din sana ako sa'yo kasi nakalimutan ko yung akin. Ayoko pa naman magka-wrinkles. Ikaw ate Lerma?"

"None. Pambata pa nga itong body sunscreen ko."

"Oh!

"I have!" sabi nung babae. Napilitan akong humarap sa kanya. Napapagitnaan namin si Kier na na nakikipag-usap sa bangkero. Nakatukod ang mga siko niya sa kanyang mga binti kaya sa bandang likuran niya kami nag-uusap nung babae. 

She is wearing a white one piece strappy bikini. Inabot niya sa akin ang isang shiseido na sunscreen. Super liit nung kaya I'm pretty sure it was for the face.

"Thank you."

Agad akong nag-apply sa mukha ko ng sunscreen. Nakangiting ibinalik ko sa kanya iyon.

"Ate pahiram din ako." sabi ni River. Kaya ibinigay ulit nung babae sa akin ang sunscreen. Iniabot ko kay River.

Tumingin ulit ako sa babae.

"I didn't catch your name," sabi niya.

Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Nakipag-kamay siya sa akin.

"Helga Marithe Diaz."

She smiled. "Isabel Villareal Rodriguez, a family friend and kinda gate crasher ako sa outing niyo. Sabi kasi nina Kier sumama na ako dahil mag-isa lang ako sa isla."

"me too... I wasn't supposed to be here."

"Oh you seems close with them. You're family friend too?

Hindi na ako nakasagot dahil inabot ni River kay Isabella yung sunscreen. At sila na ang nagkwentuhan. 

Hindi ba niya narinig kaninang lunch yung mga pinag-usapan namin ni Lerma? If I say, I'm a Nanny. She will asked why am I hanging out with my employers. Okay na lang din kasi hindi ko rin naman ang alam ang isasagot. And I don't like follow up questions.

Nagkibit-balikat ako. Umupo ng maayos si Kier. Kaya medyo napatigil ang usapan nina Isabella at River. Napilitang tumayo at tumabi si River kay Isabella para makapag-usap ng maayos.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon