End-point

27.5K 590 6
                                    

Helga's POV

I spent the night and dawn just staring at the twins. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Kier, maybe in the masters. Bumaba ako sa kusina bandang alas-cinco ng umaga. Bago ako umalis ay igagawan ko sila ng sandwinch na inuungot nila sa akin kahapon.

Nadatnan ko doon si Ana.

"Morning, Maam Helga. Coffee po?" alok niya.

"Ok lang, salamat."

"Okay lang po kayo, namumugto kasi ang mga mata mo."

Tumango ako. Binuksan ko ang ref at inilabas ang mga ingredients ng gagawin kong sandwich para sa mga bata.

"Ahm.. Ana?"

"Po?"

"Sasabihin ko sa'yo kung paano gawin ang paboritong sandwich ng mga bata."

Ngumiti ito. "Ay gusto ko po yan. Laging hinahanap ng kambal yung gawa niyo eh hindi ko naman alam kung ano ang nilalagay mo sa sandwich nila."

"Actually sobrang simple lang, peanut butter at jam lang." natatawang sabi ko.

"Ahh... kaya pala. Akala ko regular sandwinch na may mga ham and veggies. Iyon kasi ang lagi kong binibigay, ayaw nila. Hindi rin naman nila alam kung ano ang nilagay mo basta sabi nila sweet daw na hindi."

"Naging paborito nila ito nang magbakasyon sila sa Amanpulo. Yung kay Joaquin ay toasted bread tapos kay Joaquin ay plain lang." 

Habang sinasabi yun ay ginagawa ko na ang mga sandwich ng kambal. Ginawan ko na rin si Kier.

"Usually, mas madami makain si Juancho kaya gawan mo na lang siya ng dalawa just in case." Tumihim ako para bigilan ang pagbabara ng lalamunan ko sa kakapigil kong umiyak. "Tapos si Joaquin, hatiin mo sa apat, ng pa-ekis yung kanya. Gusto niya yun."

"Maam..."

Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Parang napansin na niya ang kalungkutan ko.

"Tapos bilhan mo sila nung tissue na may drawing para pambalot sa sandwich nila. Matutuwa sila doon." pagpapatuloy ko.

"Bakit niyo po ito ginagawa? Babalik ka naman po hindi ba?"

Umiling ako. Hinarap ko siya. "Please promise me you will take care of them, Ana."

Naguguluhang tumango siya.

"Maam..."

"Kapag nagtanong ang mga bata, pakisabi na lang na nagbakasyon ako sa malayo."

She sighed. I hugged her while saying thank you.

Tahimik kong kinuha ang bag ko na nilapag ko sa sala kagabi. Umakyat ako pabalik sa kwarto nina Juancho at Joaquin.

They were still in deep sleep. I kissed both of their foreheads. Maingat ang mga galaw ko.

Inilabas ko mula sa aking bag ang journal kung saan ko sinulat ang mga memories ng mga bata sa Amanpulo. Nakapa-lakip sa gitna ng journal ang mga pictures na ni-print ko a few days ago. Inilapag ko ang lahat nang yun sa bedside table ng kambal.

After a few minutes of looking at them, I finally found the courage to walk out of their room.

KANINA pa ako nakauwi dito sa townhouse namin ni Ate Olga. Ngunit hindi pa ako pumapasok. Nakaupo lang ako kanina sa may tabi ng pintuan. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi ng maayos. Nakakatawa lang isipin ang sitwasyon ko. Parang kahapon lang ng sabihin ko sa sarili kong di ako uuwi dito.

I sighed.

Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay. Maybe Ate was still asleep. Paakyat na sana ako sa taas ng may tumawag sa pangalan ko.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon