Who is she?

110K 2.2K 233
                                    

Helga's POV

"Can we talk?" tanong agad ni ate sa akin pagkapasok ko ng townhouse namin. Bahagya akong nagulat ngunit hindi ako nagpahalata. Akala ko tulog na siya dahil nakapatay ang ilaw ng pumasok ako. Dumiretso ako patungo sa hagdan.

"I don't have anything to say to you. Akyat na ako." pasupladang sagot ko. Hindi pa ako nakakaapak sa unang palapag ng hagdan nang hawakan niya ang isa kong braso. Ibinaba ko ang bagaheng hawak ko sa aking isang kamay pero hindi ko siya nilingon.

"Helga.." she pleaded. Napipilitan na lumingon ako pero sa gilid ako nakatingin. Kahit galit ako sa kanya ay hindi ko pa rin matiis kapag ang tono ng boses niya ay parang nagpapaawa.

Inabot niya sa akin ang brown envelope at walang imik na tinanggap ko ito at binuksan. Wala rin namang patutunguhan kung patuloy akong magmamatigas. I saw papers and pictures. I didn't even bother reading what was written in these papers. Nakuha ng atensyon ko ang isang portrait ng babaeng nakangiti. Mahaba ang kulay brown niyang buhok at bilugan ang kanyang mga mata. Wala itong masyadong make up sa mukha. Nakasuot siya ng corporate suit. She looked elegant and powerful. Maaring magka-hawig kami kapag biglang tingin dahil sa pagkakaparehas sa ilang bagay ngunit ibang-iba ang mukha niya kapag natitigan ng matagal.

"Who is she?" i asked annoyed.

"Johana Falcon," she said just above a whisper. My breath hitched as I look at the picture once again. So, she is the mother of Joaquin and Juancho? Now that I see, sa kaniya nagmana ang kambal at hindi kay Kier.

Isinilid ko sa envelope ang mga laman niyon at itinaas ito sa harapan ni ate Olga. "What do you want me to do with this? Ipapa-laminate ko para ipamukha sa sarili ko that I will never be like her? Ganun ba? That she was useful to Kier and I'm not?" i said sarcastically. " that... that she is the wife... and I," i heaved a sigh. "and I'm just a nanny?" pagpapatuloy ko. 

"Can you please stop with your insecurities, Helga!" she snapped. "There is nothing wrong with being a Nanny. Dapat ikaw ang mas nakakaalam niyan dahil alam mo kung gaano kahalaga ang trabaho para sa mayayamang hindi kayang bigyan ng atensyon ang kani-kaniyang mga anak. Now, let me talk." naiinis na sabi niya.

Hindi ako umimik but I don't mean it that way.

Oh hell, yes. I am insecure about my boyfriend's ex. Who doesn't? Kapag makita mo ang itsura ng Ex ng boyfriend mo, talagang mapapaisip ka kung anong meron siya na nagustuhan nito. Lahat naman tayo may ganyang sakit. Iba-iba nga lang tayo ng way kung paano ipakita ang pagka-insecure natin. 

At nang makita ko ang tindig niya sa litrato ay na-realized ko na she was successful and exceptional in area that I know is very interesting to my boyfriend ---- business. I am comparing myself to Johana because I wanted to feel like the winner. Like I am the best. I have never felt so intimaded by an ex before.

So I don't really want to see her face. Siguro dati gustong-gusto ko siyang makaharap. Gusto ko siyang saktan at sumbatan. Kung bakit nagawa niyang saktan si Kier at pati na rin ako.  Mas lalong dumami 'yung katanungan na bumabagabag sa akin. Ang hirap intindihin lalo na at wala na siya para ipaintindi sa akin ang mga nangyari. Paano ko kakalabanin ang patay na?

Kinuha niya sa akin ang envelope. Naglakad ito sa living room at ipinatong sa side table ang envelope.

"She was a Commercial Manager in Falcon Shippings, ang kumpanyang itinayo nila ni Kier. They got married at a really young age which is hanggang ngayon ay hindi ko magawang maintindihan." she said casually. "Kung susumahin mo, bakit sila magpapakasal ng napakaaga plus bago pa lang sa business world ang Falcon Shippings? It could be that they really love each other? Dahil nabuntis lamang ito after a year of marriage. Or baka may ibang dahilan?" puno ng pagtatakang sabi niya.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon