Chapter 18: Favor

2.1K 176 11
                                    

"Alam mo ang lahat nang nangyayari ngayon, hindi ba?" Maingat na tanong ko kay Grand Master Walter.

Mataman ko itong pinagmamasdan habang prente itong nakaupo sa harapan ko. Tahimik naman itong nakatingin din sa akin.

"Grand Master..."

"Anong gusto mong gawin ko, Captain Mary? Kill my Phoenix Knights because he made a wrong decision? I can't do that," matamang sambit ng Grand Master. "I consider them as my children, Captain Mary. I should protect them."

"Hindi ba dapat ikaw ang prinoprotektahan nila at ang Phoenix? Not the other way around." Wika ko na siyang ikinatango nito sa akin.

"Tama ka sa tinuran mo pero hindi ako kagaya ng mga nagdaang Grand Master ng Phoenix."

"Kaya ikaw ang inaatake ngayon dahil alam ng kalaban ang kahinaan mo, Grand Master Walter," matamang sambit ko dito. "I don't know if you know my condition but this thing is stressing me out! Hindi ko na kaya ang mga nangyayari sa mundong ito!"

"I know all about you, Captain Mary," sambit nito na siyang ikinatigil ko. "And, I'm sorry for bringing you here. Mahalagang manatili ka sa realm ng kapatid ko pero ito lang ang tanging paraang mayroon tayo ngayon. Oo, kahinaan ko ang mga taong malapit sa akin kaya naman ikaw ang napili kong tumulong sa akin para matapos na itong gulong mayroon ngayon sa buong Azinbar. Hindi ka nagmula sa mundong ito at alam kong kaya mong pumaslang ng walang pag-aalinlangan."

"What?" Gulat na tanong ko dito. "Not because I'm inside of this body, kaya ko nang pumatay ng kung sino! Tao lang ako at may kunsensiya rin! I didn't kill your Knight earlier! Inalis ko lang ang dark spell sa katawan nito. Hindi ko kayang pumatay ng walang dahilan, Grand Master. Sana ay naisip mo ito bago mo ako dinala dito."

Muling nanahimik ang Grand Master at nakatingin lamang ito sa akin. Inis akong napatampal sa noo at humugot nang isang malalim na hininga.

"Ano ba talaga ang nais mong gawin ko?" Mariing tanong ko dito. Umayos ako nang pagkakatayo at hindi inalis ang paningin sa kanya. "Ikaw na rin ang nagsabi sa akin, hindi ako nanggaling sa mundong ito. Kaya naman bakit ko kayo tutulungan?"

"Cause you are Captain Mary," simpleng sagot nito.

"Nasa loob lang ako ng katawan ni Captain Mary."

"But you have all the abilities she once have. Ikaw lang ang makakagamit ng kapangyarihan niya at wala nang iba pa," seryosong sambit dito.

"I don't trust you and the Phoenix," wika ko na siyang nagpatigil dito. "Sa magulong mundong napuntahan ko, isa ka sa hindi ko mabasa, Grand Master."

"Cause Captain Mary used her magic power to blocked us, the Grand Master of Phoenix."

What?

"She was too powerful for us. At alam na alam iyon ni Captain Mary. She used her magic to blocked her own magic. Takot itong kalabanin ang Phoenix."

"Dahil alam niyang matatalo niya kayo," mahinang sambit ko na siyang nagpatango sa Grand Master ng Phoenix.

"She knew her own capabilities, her power, both helpful and destructive. Because of that, she did that to herself, casted her own magic spells and the previous Grand Masters respected her decision. They acknowledged her fear of her own magic and decided to helped her created a magic that serves as the boundary between her and the Phoenix."

Napaawang ang mga labi ko sa narinig. Napatingin ako sa kamay ko at noong mapagtanto ang mga sinabi ng Grand Master sa akin, mabilis akong nagsummon ng light magic at ikinumpas ito sa gawi ng Grand Master.

I just attacked the Grand Master of Phoenix!

Seryoso akong tumingin sa gawi nito at napakuyom na lamang ng mga kamao noong makita ang protective barrier na agad na pumalibot sa Grand Master.

Realm of the NorthOnde histórias criam vida. Descubra agora