Chapter 16: Kill

2K 176 27
                                    

Mahigpit kong hinawakan ang espada ko habang mabilis na tumatakbo.  Mas lalong lumakas ang dark spell na nararamdaman ko kaya naman ay mas mabilis kong natukoy ang puwesto ni Socorio.

At noong mamataan ko itong nakatalikod habang nakaluhod sa lupa, mabilis ko itong nilapitan.

"Stop," utos ko dito noong tuluyang nakalapit na ako sa kanya. Itinutok ko ang dulo ng espada ko sa leeg nito kaya naman ay natigil siya sa ginagawa niya. Slowly, he turned around and face me.

"Too late, Captain Mary. I'm done with the dark magic seal. The Grand Master Phoenix will die today. The Phoenix will fall!" Nakangising sambit nito na siyang ikinataas ko ng kilay.

He's done already? That was fast! Or maybe kanina pa niya ito ginagawa? Great!

"Really?" seryosong tanong ko at mas idiniin ang pagkakatutok ng espada ko sa kanya. "What if... kung ikaw ang maunang mawala sa mundong ito? Hindi mo man lang mararanasang magdiwang sa ginawa mo sa Phoenix, Socorio."

Lalong ngumisi ito sa akin kaya naman ay nairita na ako. "I know your kind, Captain Mary. You don't kill your enemy. You'll just capture and imprison me."

"People change, Socorio," mariing sambit ko at inilapit ang mukha sa kanya. "Especially, if that person is me. I can kill, you know."

Mas lumawak ang ngisi Socorio sa harapan ko at mayamaya lang ay tumawa na ito. Napailing ako sa inasal nito at tuluyan nang inilapat sa balat nito ang talim ng espada ko. Kita kong natigilan si Socorio sa pagtawa at ngayon ay napangiwi na. Akmang gagalaw ito upang ilayo ang leeg sa talim
ng espada noong mas inilapat ko naman ito.

One wrong move, I'll definitely cut his head.

Mayamaya lang ay natigilan ako noong makaramdam ng ilang presensyang papalapit sa kinatatayuan ko. Napailing na lamang ako at mabilis kong hinampas sa ulo si Socorio at nawalan ito nang malay. Hinayaan ko ang katawan nitong nakahandusay at binalingan ang paligid.

Five different footsteps.

I sighed. I need to finish this fast para makabalik na ako sa sasakyan!

Tiningnan ko ang maliit na magic circle sa paanan ko na ginawa ni Socorio kanina. Maingat akong lumuhod at hinawakan ito. "Too much dark magic," mahinang sambit ko at sinubukang idispell ito.

Ang ganitong magic circle ay oras talaga ang dapat igugol para matapos ito. And by looking at it, it's almost perfect! He really can kill the Grand Master using this magic circle!

Segundo lang ay unti-unting nabubura ang magic circle sa harapan ako. Mas binilisan ko ang pagdispel nito noong mas naramdaman ko ang mga presensya ng kalaban. At noong halos matapos na ako sa ginagawa, sunod-sunod na pana ang umatake sa akin. Dali-dali kong itinaas ang isang kamay at nagchant ng spell at nakabuo ng barrier na kagaya ng kayang gawin ni Alessia. Nanatili naman ang isa ko pang kamay at pinagpatuloy ang pag dispel sa magic circle ni Socorio.

"Master Socorio!" sigaw noong mga bagong dating. At kagaya ng inaasahan ko, lima nga silang lahat.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaluhod at hinarap ang mga bagong dating. Inalis ko ang barrier sa paligid at itinutok sa kanila ang hawak na espada.

"Come," hamon ko sa kanila. "I have other things to do. Let's finish this."

Hindi na nagsayang ng oras ang limang Knight na nasa harapan ko at sabay-sabay silang umatake sa akin. Ngumisi naman ako at mabilis na kumilos na rin. Gamit ang dark spells na nakuha ko sa magic circle ni Socorio, I chanted it on my sword and slashed it towards the Knight who's about to attack me again. Kita kong natigilan ito at napatingin sa braso nito kung saan tumama ang espada ko.

Realm of the NorthWhere stories live. Discover now