Prologue

15.6K 571 180
                                    

Mariin akong napapikit at napahawak sa kanang pisngi ko. I mentally cursed when I feel the sting pain on my cheek. Damn it! That was fvcking hurt!

"You're a disgrace in this family!" sigaw ni daddy at mabilis na hinawakan ako sa braso ko. Napamulat ako at mabilis na nagpumiglas sa mariing pagkakahawak nito sa akin. "Wala kang kahihiyan!"

"Dad! Nasasaktan ako! Ano ba!" takot na sigaw ko sa ama.

"Talagang masasaktan ka sa akin! Hindi ka na nagtanda! You kept on repeating the same mistakes! Hindi ka ba napapagod sa pinaggagagawa mo? Dahil ako, kami ng mommy mo, pagod na pagod na sa'yo!" galit na sigaw muli nito sa akin at mabilis akong binitawan kaya naman ay pabagsak akong napahandusay sa sahig.

"Theodore! Tama na iyan!" rinig kong sambit ni mommy at dinaluhan ako. "Can't you just let this go? Again? Please, Theodore! This is your daughter!"

"Wala akong anak na ganyan ang pag-uugali, Divine!" galit na sigaw pa rin ni daddy at dinuro pa ako. "Noong nakaroon ka ng eskandalo sa Maynila ay pinalagpas ko pa, ngunit iba na ang sitwasyong ito! Sumusobra ka na! Lumayas ka sa pamamahay ko, Rhianna!"

Masama kong tiningnan ang ama ko at tumayo na mula sa pagkakasalampak sa sahig. Ramdam ang gulat ni mommy sa tabi ko at mabilis niyang hinawakan ang kamay ko noong akmang magsasalita ako.

"No, Rhianna. Don't talk back to your father. Please, anak."

"Didn't you hear him, mom? Wala raw siyang anak na kagaya ko. So, technically, he's not my father now."

"You-"

"Sige!" sigaw ko noong akmang sasampalin na naman ako ni daddy. "Isang sampal mo pa sa akin at talagang mawawalan ka na ng anak, dad!"

"Rhianna!" Umiiyak na sigaw ni mommy sa tabi ko. "Theodore, please, tama na! Rhianna, stop it already, please."

"Lumayas ka!" mas malakas na sigaw ni daddy sa harapan ko. Napailing na lamang ako at matapang ko itong tiningnan, hindi inalis sa kanya ang paningin. "Kung hindi mo kayang respetuhin ang pamilyang ito, hindi ka nararapat na maging isang Ferrer! Isa kang kahihiyan!"

"Tama na!" ganting sigaw ko dito. "I don't want to be part of this family, anyway! Kung puwede lang mamili ng pamilya, ng ama, ginawa ko na! I don't want to be part of this so called 'Great Ferrer Empire'! I just want to be a normal person! Hindi ko kailangan ang kasikatan at kayamanan ng pamilyang ito! Hindi ko na masikmura ang pamilyang ito!"

"Kaya ka nagrebelde? Kaya sinira mo ang sarili mo? Ang kinabukasan mo? Nag-iisip ka pa ba nang matino, Rhianna Dione?"

Hindi ako nakapagsalita sa mga binitawan ng aking ama.

Ako? Sinira ang sarili ko? I don't think so. Sila at ang mga gahamang mga Ferrer ang sumira sa akin! Dahil sa kanila, naging miserable ang buhay ko. Dahil sa kanila, nagawa kong talikuran ang buhay na kinagisnan ko!

"Lumayas ka na."

"Fine!" sigaw ko sa harapan ng ama. "Matagal ko na ring gustong umalis sa pamamahay na ito! Sa pamilyang ito!"

"Rhianna! Anak!" pigil ni mommy at mabilis niyakap ako. "No, Rhianna. Hindi ako aalis."

"Let her go, Divine. Tingnan lang natin kung hanggang saan aabot ang katigasan ng ulo ng batang iyan. Tandaan mo ito, Rhianna, ang pera ng mga Ferrer ang bumuhay sa'yo, ang nagbigay ng lahat ng luho mo. Without us, you can't live a peaceful life."

Napakuyom ako ng mga kamao ko. Damn this! This is too much! Hanggang dito ba naman ay ipamumukha niya sa akin ang kayamanan ng pamilyang ito? "I can live without the luxury, dad," mariing sambit ko habang hindi pa rin inaalis ang masamang titig dito. "Hindi ako kagaya ng ibang Ferrer ng pamilyang ito. I can survive as long as I'm free from this cage of yours."

Realm of the NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon