Chapter 9: War

2.6K 212 7
                                    

Ipinikit ko ang mga mata ko at nanatiling nakaupo sa upuang inihanda sa akin ni Alessia.

"Nagiging normal na ang tibok ng puso nito," rinig kong sambit ni Jaycee habang sinusuri ang kalagayan ni Grand Master Walter.

Pagkatapos kong higupin lahat ng dark spells sa katawan nito ay biglang nanghina naman ang katawang mayroon ako. Mabuti na lamang ay agad akong nasalo ni Alessia kanina bago pa ako bumagsak sa sahig.

I felt weak. Tila inaapoy ako ng lagnat ngayon. I feel the heat flowing all over my veins.

"Captain, are you okay?" It was Amell. Hindi ko ito tiningnan ngunit tinanguhan ko ito bilang sagot sa tanong niya. I'm fine. Nanghihina lang ako.I think I just need to rest for a while. Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto ng dark spell sa katawang mayroon ako. Maaring matulad ako sa sinapit ni Grand Master Walter, maaring hindi. I just need to have faith on her, Captain Mary.

"Damn," mahinang bulalas ko noong makaramdam ako ng mainit na pakiramdam sa bandang dibdib ko. Mabilis akong napahawak sa dibdib ko at kinalma ang paghinga ko.

"Captain Mary!" Rinig kong tawag ng Tyrants sa akin.

"Captain! Anong nangyayari?"

"She's releasing dark spells," rinig kong komento ni King Antonio. "Her body is fighting it."

"Alessia, barrier," it was Zahra.

"No need," sambit ni Alessia. Ramdam ko ang paglapit nito sa akin ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. My chest is burning! Mas dapat kong alalahanin ito ngayon! "She can defeat it. She can own that spell."

Own it? Right! Iyon ang sabi ng boses sa akin kanina. But, how can I own someone's magic? May kailangan gawin ba ako? Or do I need to enchant something? Damn it! I don't know!

"Own it."

Natigilan ako! That voice again!

"Concentrate, Captain Mary. Clear your mind and own that spell."

Clear my mind?

Hindi ko alam kung dapat ko bang sundin itong boses na naririnig ko pero wala akong ibang pagpipilian pa. I need to own this magic now! Masyadong nanghihina na ang katawan ko!

Isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng upuan at humugot ng isang malalim na hininga.

Clear your mind, Rhianna Dione. Clear your thoughts.

"Welcome, Rhianna Dione."

Mabilis akong napamulat ng mga mata noong makarinig ng isang pamilyar na boses ng babae. I froze when I saw Captain Mary's face in front of me. Agad akong napahawak sa pisngi ko at muling mapatingin kay Captain Mary.

"What is this?"

"We're inside your mind, Rhianna Dione," anito at nilapitan ako. "My name is Mary. I'm the captain of the Tyrants. Protector of the Northend."

"Rhianna Dione," sambit ko sa pangalan ko. Looks like kahit hindi ako magpakilala sa kanya ay alam na nito kung sino ako. "Anong ginagawa ko dito? Bakit nakakausap kita?"

"Like I said, we're inside your mind, Rhianna. I only exist because you lost your conciousness. Once na magising kang muli, mawawala na naman ako."

"But, it was you! Boses mo ang naririnig ko noong hawak-hawak ko si Grand Master Walter! Paanong nangyari iyon?" I asked her.

"You're right. That was me, Rhianna," tipid na sagot nito. "At kagaya nang sabi ko, I'm just temporary. Isa lang ako sa maraming spells na ginawa ko noong nabubuhay pa ako."

Realm of the NorthWhere stories live. Discover now