Epilogue

4.1K 202 145
                                    

A/N: This is the last part of the story.

Thank you so much for reading, lovies!

---

With great power comes great responsibility.

I always hear and read about that.

And me, being the sole heir of the Great Ferrer Empire company, the pressure is still alive. Kahit na naaksidente ako noon, na-coma ng isang taon, still, I need to do something for our family. And after years of hardwork, ako na ang namamahala ng kompanya namin.

"Good day, Miss Ferrer!"

Bati sa akin ng ka-meeting ko noong maabutan ko itong tahimik na nakaupo sa loob ng conference room. Ngumiti ako dito at naglakad papalapit sa kanya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at nakipagkamay sa akin.

"Mr. Stevens," sambit ko at nakipagkamay na dito. "I'm sorry I'm late. I just finished another meeting."

"No, it's fine." Anito at nginitian ako. "Just call me Alex. No need for formality, Rhianna."

Natigilan ako sa sinambit nito at pasimpleng binalingan ang sekretarya ko na tahimik na nakatayo sa tabi ko. Nagkibit-balikat ako dito at naupo na sa upuang nakatalaga sa akin.

"If that's what you want, Alex," I said without breaking an eye contact with him.

Mayamaya lang ay ibinigay sa akin ng secretary ko ang proposal ng kompanya ni Alex sa kompanya namin.

"This is a great opportunity, Rhianna. We have the best engineers in the country. We can do the job better than the other firm!" Ani Alex na siyang ikinataas ng kilay ko. "Your father already saw our proposal and he was impressed with our presentation."

"We're creating a history here, Mr. Stevens, at lahat ng nakausap ko ngayong araw ay iisa lang ang sinasabi sa akin. Kasama ka na roon." Seryosong sambit ko dito at isinara ang portfolio na binabasa ko. "I like your presentation. Siguro nga'y nakuha mo ang atensiyon namin ni daddy pero huwag mong kalimutan na ako ang huling magpapasya para sa project na ito. Yes, I'm impressed with your
presentation but I don't like you and your attitude." Dagdag ko pa na siyang ikinagulat nito. "Hindi ako basta-bastang pumipirma ng kontrata. Hindi lang din ako sa papel tumitingin, pati sa taong kaharap ko. And I must say, I'm not impressed with you. There's no way I'll work with you."

"What? Look, Rhianna..."

"Miss Ferrer," singit ko na siyang ikinatigil nito. "Inside this empire, you call me Miss Ferrer, Mr. Stevens. I don't like people calling me by my name. I hope you understand that, kahit iyon lang." Binalingan ko ang sekretarya ko at tumayo na mula sa pagkakaupo. "Ikaw na ang bahala kay Mr. Stevens, Miranda. Make sure he'll finish his coffee before leaving."

"Yes, Ma'am," anito at tinanguhan ako. Ngumiti ako dito at nagsimula nang maglakad palabas ng conference room.

Damn, I'm tired!

Apat na meeting ang ginawa ko ngayong umaga at panglima na itong meeting sa lalaking ito! Kung hindi ko lang naramdaman ang hindi magandang awra nito, sana'y pinakinggan ko pa ang mga sasabihin nito. Honestly, I liked their proposal but I've learned my lesson! Kapag masama na ang pakiramdam ko sa kaharap, I need to immediately draw a line between us. Period.

"Rhianna Dione!"

And this is what I'm talking about. Bad feeling. Bad day for me.

"Ganito mo ba talaga tratuhin ang mga ka-meeting mo?" Tanong nito sa akin na siyang nagpabaling sa kanya. Nagtaas ako ng kilay dito at tahimik na nakinig sa mga sinasabi nito. "Totoo nga ang balita tungkol sa'yo. Your standards are too high, Miss Ferrer! Mag-ingat ka at baka bumagsak ka bigla."

Realm of the Northحيث تعيش القصص. اكتشف الآن