Chapter 36: Fix

1.9K 138 17
                                    

"Any update?"

"None, Captain."

Napakagat ako nang pang-ibabang labi at napatingin na lamang sa labas ng bintana ng silid.

Isang linggo na ang lumipas simula noong sumalakay ang grupo ni Rupert dito sa Northend. Isang linggo na rin ang lumipas simula noong makausap ko si Captain Mary sa Afterworld at inutos sa akin na hanapin ang dark soul na siyang namalagi sa katawan ni Rupert. Isang linggo na ring masama ang pakiramdam ko at isang linggo na ring may kakaiba sa katawan ko!

"We need to find that soul, Tyrants," sambit ko at napabuntong-hininga na lamang. Mayamaya lang ay napahawak ako sa ulo ko noong may nakita na naman akong mga imahe sa isipan ko. Images! I've been seeing images for a week now! "It's moving again." Dagdag ko pa at binalingan ang Tyrants. "That dark soul already found its new vessel."

Simula noong nagising ako mula sa sleeping spell ni Jaycee, palagi kong nakikita ang galaw ng dark soul na hinahanap namin. Tuwing kumilos ito, nakikita ko kung saang parte ng Azinbar ito naghahanap ng panibagong vessel. Ngunit sadyang mailap ito sa amin at hanggang ngayon ay hindi pa rin namin ito mahuli.

"Who's the new vessel?" Maingat na tanong ni Alessia at nilapitan ako. 

"This is not good," mahinang sambit ko habang pinagmamasdan nang maagi ang mga imaheng nakikita sa isipan. Not this freaking place! "Phoenix." Wika ko habang naiiling. This can't be happening! Paanong nakarating ito sa headquarter ng Phoenix? Damn!

"Nasa Phoenix ito ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zahra at tumayo mula sa pagkakaupo. "That's miles away from here, Captain. Paano natin ito mahuhuli ngayon?"

"We need to move now. Mapapahamak ang mga Phoenix Knights na naroon ngayon kung makakapasok ito sa panibagong katawan nito," ani Jaycee at hinanda na ang sarili sa pag-alis.

"May maabutan pa kaya tayo roon?" Tanong ni Owen na siyang ikinatigil ng lahat. "The last time we followed that soul, wala tayong napala. Nagsayang lang tayo ng oras at lakas papuntang Evraren."

"Owen..." pigil ni Alessia dito.

"I'm sorry," ani Owen at matamang tiningnan ako. "Without the Captain, we're just wasting our time following that dark soul."

"Hindi natin maaring pilitin ang katawan ni Captain Mary, Owen. Alam mo ang kondisyon nito ngayon. She just can't go and haunt that dark sould." Ani Jaycee na siyang ikinabuntong-hininga na lamang ni Owen.

"Sasama ako ngayon sa inyo," wika ko na siyang ikinagulat ng Tyrants.

"No, Captain Mary, hindi mo na kailangang gawin ito. We can find that dark soul. Kailangan mong ipahinga ang katawan mo." Ani Alessia at binalingan ang iba pang miyembro ng Tyrants. "We'll capture that soul this time, alright? We need to get that before it's too late."

"It's been a week since I dispel all the dark magic inside this body, Alessia. The blue fire of Great Guardian Phoenix helped me a lot dealing with all the dark magic inside my body. I can handle and draw a sword now. I can fight again." Sambit ko at isa-isang tiningnan ang Tyrants. "This time, we'll end this battle. Together, okay?"

"Captain..."

"Don't worry too much, Tyrants. I'll be fine." 

"Kung mapapahamak ka sa laban natin ngayon, maaring sa muling paggising mo ay wala ka na sa katawang iyan, Rhianna Dione," ani Alessia na siyang ikinatango ko. "We're just being careful here."

"I'm aware of that, Alessia. Kaya nga nais kong matapos na ang lahat nang ito para kung mawala na ako sa katawang ito, alam kong natapos ko ang misyong nakatalaga sa akin sa mundong ito. Mapapanatag ako kung mangyayari iyon." Seryosong sambit ko sa kanila. "This will be my last battle here in Azinbar."

Realm of the NorthWhere stories live. Discover now