Chapter 10: Plan

2.9K 211 4
                                    

Pagkabalik namin sa Northend, agad kong inutos sa Tyrants ang dapat gawin kay Grand Master Walter. Kailangan gumising na ito sa lalong madaling panahon. The earlier, the better for us. We need to talk to him about what happened to him before our enemy attack us.

Mas kailangan namin ang Phoenix ngayon. Kailangan ito ng buong Azinbar.

"Where are you going, Captain?" It was Owen. Palabas na ako ngayon sa silid kung saan namin dinala ang katawan ni Grand Master Walter.

"I need to see the king," sagot ko dito at humakbang na palabas ng silid.

Tahimik akong naglalakad at inisa-isa ang mga nakalap na impormasyon sa Vallasea. I'm not good at this stuff but the way I see things here in this world amazed me. Captain Mary, you're hella powerful woman! Kahit sinong pumasok sa katawang ito ay nagkakaroon ng kakaibang kakayahan. This body was created for this job at kung sino man ang nagmamay-ari nito ngayon ay siyang makakagamit sa lahat ng abilities mayroon ito!

And that's me!

Dere-deretso ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa main building ng palasyo kung saan naroon ang hari ng Northend. Tahimik akong pumasok dito at noong akmang liliko na ako sa pasilyo patungo sa silid ni King Louis IV ay mabilis akong tumigil sa paglalakad at bumaling sa likuran ko.

"What do you think you're doing?" Matamang tanong ko kay Zahra noong maabutan ko itong magtatago na sana sa akin. Kanina ko pa nararamdaman ang pagsunod nito sa akin. "Why are you following me?"

"I'm sorry, Captain," anito at inayos ang pagkakalugay ng buhok nito. "Nag-aalala lang ako sa'yo. Dark spells are dangerous. And, you look pale, Captain. Maging si Jaycee ay nag-aalala sa'yo."

"I told you I'm fine, Zahra. Nothing to worry about me."

"But, still..."

"Go and help the rest of the Tyrants. We need to secure the peole and the whole Northend. Hindi natin alam kung ano ang susunod na hakbang ng kalaban. Go and help them," utos ko dito at tinalikuran na itong muli.

I don't have time to lecture her. Mas may mahalaga akong dapat gawin ngayon.

Hindi ko na naramdaman pa ang pagsunod ni Zahra sa akin. Mabuti naman ay nakinig ito. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy  na sa paglalakad.

Sabay na yumukod sa harapan ko ang dalawang taga-bantay sa silid ng hari. Kumilos ang isa at pinagbuksan ako ng pinto. Nagpasalamat ako dito at mabilis na pumasok sa silid.

"Your Majesty," bati ko sa hari ng Northend at bahagyang yumukod dito.

"Captain Mary," aniya at tumayo sa kinauupuan nito. "How's my brother?" he asked me.

"He's fine now. Kailangan niya lang magpahinga," sagot ko at umayos na rin nang pagkakatayo. "We brought him from Vallasea."

Kita kong natigilan ang hari sa sinabi ko. Marahil ay nagtataka ito sa naging desisyon kong pagdala sa katapid niya dito sa Northend. This wasn't part of the plan. Ang misyong binigay lang niya sa amin ay tulungan ang kapatid nito sa panlalasong natamo. Bringing the Grand Master here was not even in our option, not a part of our plan.

"That was your judgement, Captain Mary. I won't interfere with it." Matamang sambit ni King Louis IV at muling naupo sa pwesto niya. "Iyong lang ba ang ibabalita mo sa akin? How about Vallasea? What's the situation there?"

"King Antonio," panimula ko at inalala ang mga napansin sa Vallasea. "He doesn't know a thing. I doubt if he knows what really happened to Grand Master Walter."

"What do you mean, Captain Mary."

"I tried to provoke him but it turns out he doesn't even know what's happening inside of his own realm. Noong palabas na kami ng Vallasea, may mga namataan akong kakaiba sa mga Knights na naroon. Looks like the real target was the Phoenix. Nadamay lang ang Vallasea dahil doon madalas ang Grand Master."

Realm of the NorthWhere stories live. Discover now