Chapter 25: Test

1.7K 148 7
                                    

"Are you out of your mind?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hannah sa akin. "Rhianna, you worked so hard to get out of that mansion! Isinumpa mo na ang lugar na iyon tapos ngayon sasabihin mong gusto mong dalhin kita roon?"

"Yes, Hannah. Dalhin mo ako sa mga Ferrer." Ulit ko dito.

"No, Rhianna!"

"Hannah, please, just this one. Gawin mo ito para sa akin."

Kung alam ko lang kung saan ko pupuntahan ang mga Ferrer ay hindi ko na gagawin ito. Wala akong alam sa mundong ginawa ng Phoenix at tanging si Hannah lamang ang makakatulong sa akin sa bagay na ito.

"Hannah..."

"Fine!" Anito sabay irap sa akin. "Ito ang huling beses na dadalhin kita sa lugar na iyon, Rhianna. At kung sasaktan ka na naman ng pamilya mo, isasama na talaga kita sa pag-alis ko sa bansang ito!"

"Thank you, Hannah!" bulalas ko at mabilis na niyakap ito. Alam kong hindi ito totoo, hindi siya ang totoong kaibigan ko, ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin ang nag-iisang kaibigang mayroon ako bilang si Rhianna Dione. Ilang buwan na rin akong namamalagi sa Azinbar at hindi ko itatangging hindi ko ito na-miss kahit isang beses lang. She's my bestfriend. She knew me better than anyone else in this world.

Tahimik lang kami ni Hannah habang nasa sasakyan niya kaming dalawa. Mabilis ang pagpapaandar nito ng sasakyan niya at noong tumigil na ito sa tapat ng mansyon ng mga Ferrer ay mabilis kong inalis ang seatbelt sa katawan ko.

"Rhianna, sigurado ka ba dito?" muling tanong ni Hannah sa akin. "Baka hindi ka na nila palabasin sa mansyon na iyan."

"Hindi nila gagawin iyan sa akin."

"They already did that before, Rhianna. Nakalimutan mo na ba?" Histerikal na tanong ni Hannah na siyang ikinatawa ko. Yes, I remembered that. Crystal clear. At kung tama ang pagkakatanda ko, dinala pa nila ako sa isang liblib na lugar at doon ikinulong. Malayo sa siyudad, malayo sa kung anong kinagisnan ko. Sa lugar ding iyon nagtagpo ang landas namin ng hari ng Northend. Doon din ako naaksidente at nawalan ng buhay.

"I'll be fine, Hannah. Thank you so much," sambit ko sa kaibigan at bumaba na sasakyan nito. Dere-deretso ang lakad ko hanggang sa marating ko ang main gate ng mansyon ng mga Ferrer.

"Ma'am Rhianna!" Gulat na sambit ng nagbabantay na guard noong mamataan ako. Mabilis niya akong pinagbuksan at kinamusta ako. "Mabuti at bumalik ka na po, Ma'am."

Ngumiti lang ako dito at tinanong kong nasa loob ng mansyon ang mga magulang ko.

"Opo, Ma'am. Nasa loob po sila."

"Thank you, kuya," turan ko at mabilis na naglakad papasok sa mansyon.

Maingat ang bawat hakbang ko at noong marating ko ang sala ng mansyon ay mabilis akong napako sa kinatatayuan ko.

Lahat ng alaalang mayroon ako sa bahay na ito ay bumalik sa isipan ko. Lahat ng iyak at pagkadismaya sa sariling pamilya ay muling bumuhos sa akin. I can't believe this! Ang akala ko pa naman ay ayos lang sa akin ang lahat ng ito. Na wala na dapat akong pakialam sa kung anong mayroon ang pamilyang kinabibilangan ko!

"Rhianna? Is that you, darling?"

Tila nabuhusan ako ng nagyeyelong tubig noong marinig ang boses ng aking ina. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa maramdaman ang mahigpit na yakap nito sa akin.

"Jesus, Rhianna! You're back!" She cried as she hugged me tightly. "Saan ka ba nagpunta? Bakit umalis ka nang walang paalam man lang? Ayos ka lang ba? Wala namang masamang nangyari sa'yo, hindi ba?"

Realm of the NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon