Chapter 32: Dimension

1.7K 152 16
                                    

Napako ako sa kinatatayuan ko noong banggitin nito ang buong pangalan ko. Gulat akong napatingin dito habang seryoso lang itong nakatingin sa akin.

"A traveler?" It was Atlas. "So, you came from different world?"

"Yes." Simpleng sagot ni Trey habang hindi pa rin inaalis sa akin ang paningin nito. "I bet you know me."

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang hindi nakapagsalita. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko habang prinoproseso ang mga salitang binitawan nito.

"Sulivan..." I paused. "A family of business tycoon in the Philippines." I said, almost a whisper. "What... what are you doing here? Paano ka napunta sa mundong ito?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. This can't be true, right?

"Like what I've said, I'm a dimension traveler, Rhianna Dione. Ilang beses na rin ako napunta sa mundong ito." Aniya at lumapit sa akin. Hindi pa rin ako makakilos dahil sa gulat sa mga narinig mula sa kanya. Napakurap ako noong nasa harapan ko na ngayon si Trey. "Hindi mo pa rin ba ako matandaan? Think harder, Rhianna Dione."

Dahan-dahan akong umiling dito at napakagat sa ibabang labi ko. I don't remember him! Alam kong hindi ko pa ito nakikita sa mundong pinanggalingan namin!

"I... I just know your family name. I never met you before, right? I don't remember interacting you in our world." Naiiling na sambit ko dito. I sighed.

"What... what's happening here?" Singit ni Atlas na siyang ikinatigil naming dalawa ni Trey. "Your world? Not Azinbar? What does it mean?"

Kita ko pag-iling ni Trey sa akin at binalingan si Atlas. "You don't have to know. Now, let's move. We need to find the enemy. Hindi maaring masira ang mundong ito."

"Masira?" Takang tanong ko dito.

"Yes, Rhianna. This world is about to end, to disappear." Anito na siyang ikinaawang ng labi ko. Napabaling ako sa puwesto ng Tyrants at namataan din ang gulat sa mga mukha nito. Mukhang narinig nila ang mga sinabi Trey. "I've been in this world for how many times now. At ngayon ko lang itong nakitang ganito. Too many dark magics and spells. Too dark and evil."

"Ilang beses ka na napunta dito, Trey?" Tanong ko dito na siyang bahagyang ikinatigil nito.

"I've met three Captain Mary before you," simpleng sagot nito na siyang ikinatango ko na lang. I don't have any luxury to process every word he's saying but, I guess I need a little more details about this man.

"And you're here in this world again because?" I asked him again, trying to fetch something from him.

"Cause you're running out of time." Tila nabuhusan ako nang malamig na tubig sa narinig. I can feel my heart beating fast as I listened to him. "You need to finish and win this war before it's too late."

"That's my goal here, Trey. Iyon talaga ang gagawin ko sa mundong ito." I said, trying to calm my nerves.

"Do it fast, Rhianna Dione, or else, hindi ka na makakabalik sa katawan mo."

"Katawan ko?" Napaawang ang labi ko. "Pero, I fell and died on that day, Trey. Paanong babalik ako sa katawan ko?"

"You're alive," aniya at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. "I was there, Rhianna Dione. I saw your almost dead body. And now, you need to return to our world. Kailangang makabalik ka bago bumigay ang katawan mo."

Oh my God!

"It can't be. I..."

"Captain!"

Napabaling akong muli sa loob ng silid noong marinig ang boses ni Zahra. Napaawang ang labi ko noong makitang nagkamalay na si Jaycee at ngayon ay inaalalayan ito ni Owen. Dahan-dahan silang naglakad papalapit sa amin at noong nasa harapan ko na ang tatlo ay napakagat ako ng pang-ibabang labi ko.

Realm of the NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon