Chapter 5: Fate

4.1K 251 24
                                    

Mataman kong tinitingnan ang mapang nakalutang sa harapan ko. Kunot-noo kong pinagmamasdan ang mga maliit na ilaw na kumikislap sa pinaka-gawing kanan nito.

"The is the realm of Vallasea," ani Alessia at itinuro ang kanina ko pang pinagmamasdan. "One of the realms of Azinbar. Surrounded by a large body of water. Home of the grand master of the Phoenix."

Vallasea? Home of what? Ano na naman ito?

"Phoenix?" naguguluhang tanong ko. Jesus! Hindi ko pa alam kung anong mayroon dito sa Northend, panibagong realm na naman ang binabanggit nila sa akin! "Wait, don't tell me this is the mission that King Louis IV was talking about?"

"Yes, Captain Mary," sagot ni Zahra at kinumpas ang kamay nito at mas naging malinaw na sa akin ang mapang nasa harapan ko. I saw a huge castle. Kasing laki nito ang kung anong mayroon dito sa Northend. "That's the home of the king of Vallasea, King Antonio. At kung ang Northend ay mayroon tayo, ang Tyrants, the realm Vallasea is where we can find one of the sub-headquarters of the Phoenix."

Phoenix? A legendary creature, huh?

"And our mission is?" walang emosyong tanong ko sa kanya. I need to know what's the mission is. And after that, magsisimula na ako sa mga katanungan ko! Kailangang masugutan na ang mga bagay na gumugulo sa akin bago mapunta na naman sa iba ang usapan namin!

"Grand master Walter of the Phoenix is King Louis younger brother. He's in trouble right now. Someone used a poisonous spell on him," ani Jaycee na seryosong nakaupo sa may gilid naming. Napabaling ako sa puwesto niya. "If the Grand Master fall, the Phoenix will surely be in trouble."

Napatango ako sa sinabi nito. Another name! Oh, crap! Pakiramdam ko ay bibigay na ang utak ko sa mga nalalaman tungkol sa mundong ito!

"He needs a healer," simpleng sambit ko na siyang ikinailing ni Jaycee.

"Kung pagbabasehan ang report na ibinigay ni King Louis IV, hindi lang basta-basta ang spell na ito. It's more than what we think kaya naman ay kailangang pumunta mismo tayo sa Vallasea para makita natin ang kalagayan ng Grand Master nila."

"Jaycee is right, Captain Mary. Kailangang makita mo mismo ang kalagayan ng Grand Master." Natigilan ako sa sinabi Zahra. Napa-arko ang isang kilay ko sa narinig mula sa kanya. Ako na naman? Ano naman ang maitutulong ko doon? Wala akong alam sa mga healing spells na iyan! "Captain Mary can identify any spells that exist in Azinbar. Kaya naman sa atin ibinigay ang misyong ito."

I mentally rolled my eyes. Right! Hindi na dapat ako nabibigla pa sa bagay na ito! Nasa katawan pala ako ng isa sa makapangyarihang nilalang sa mundong ito! I sighed. Mukhang wala akong pagpipilian pa. I need to do this.

"Alright," mahinang sambit ko at nilapitan ang pinaka-mesa kung nasaan ang mapa ng buong Azinbar. Ikinumpas ko ang kamay ko at bumalik ito sa dati. Ngayon ang nakikita ko ang lahat ng realm ng mundong ito. Tahimik kong pinag-aralan ang apat na realm ng Azinbar.

Northend. The realm that is located on the northern part of Azinbar. Vallasea, the eastern realm. At kagaya nang sinabi ni Alessia kanina, Vallasea is surrounded by large body of water. Evraren of the west and last, the Hilienne, the southern realm of Azinbar. Iyong gustong sumakop sa boundary ng Northend.

Four different realms. Four different rulers.

Sa gitna ng apat na realm ng Azinbar ay may isang malaking kastilyo akong namataan. Kumpara sa ipinakita ni Zahra sa akin kanina, mas malaki ito.

"That's the Phoenix?" turo ko sa pinakagitna ng Azinbar.

"Yes, Captain," it was Alessia.

"Anong mayroon sa kanila?" I asked again.

"The Phoenix is composed of the representatives of the four realms of Azinbar. We called them the Mages who are blessed by the great Phoenix of Azinbar."

"Mages? Great Phoeix? So, they use magics?" Ipinilig ko ang ulo pakanan at binalingan si Alessia.

"Of course, Captain Mary. The Phoenix is mostly like the administrator of this world. Sila ang nagpapatupad ng batas na ginawa at napagkasunduan pa noon ng mga nagdaang hari sa bawat realm ng Azinbar. They're great and powerful."

Napangiwi ako. So, maliban sa mga hari, may mas nakakataas pa pala sa kanila? That's odd.

"In order to maintain the peace of Azinbar, the Phoenix exist. Kung wala ito, paniguradong magkakagulo ang apat na realm. The Phoenix is the rule itself. Not just an organization, but, the rule of Azinbar that each of the realm should follow."

Napahawak na lamang ako sa sintido ko at napabuntonghininga. I can't believe na magagamit ko nang husto ang utak ko sa mundong ito. Noong nasa mga Ferrer pa ako, I was trained to be a great leader of our company. All the things I need to learn about running a company was taught to me. And I did great back then. I was always praised by my private tutor for acing my exams and all! Ngunit ngayong nasa Azinbar ako, pakiramdam ko ay iniwan na ako ng katalinuhang mayroon ako noon! This world is really too much for me!

"Are you okay, Captain?" it was Amell. "Namumutla ka." Puna pa niya sa akin.

"I'm fine," mabilis na sagot ko at binalingan ang Tyrants. Humugot ako ng isang malalim
na hininga at matamang tiningnan sila. Before we take this mission, gusto kong malaman kung ano at sino ba talaga si Captain Mary. Can you help me with that? Gulong-gulo pa rin kasi ako hanggang ngayon." I sighed again. "I wanted to learn who she was before. I wanted to understand why I am fighting with you, Tyrants. Dahil kung tutuusin, I ran away from my family. I wanted freedom. Ayaw kong gumagawa ng isang bagay na labag sa loob ko. And with this new body, I can do that. I can't run away."

"Captain-"

"Ngunit hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. I wanted to leave, run away again and live my life but a part of me wanted to stay, to help you. Lalo na noong nasa boundary tayo ng Northend at Hilienne. Seeing those Knights suffered pains me. Gusto ko silang tulungan, protektahan." Napailing ako at napahawak sa dibdib ko. "Maybe that was Captain Mary. Nasa katawan niya ako kaya marahil ganoon na lamang ang naramdaman ko."

"You're right, Rhianna Dione," ani Alessia at nilapitan ako. Natigilan ako noong may inabot itong tatlong makakapal na libro. Taka ko itong tiningnan at tinanggap ang ibinigay nito. "Pagmamay-ari iyan ng mga nagdaang Captain Mary. You can read this. This might help you understand the reason why you're here."

Wala sa sarili akong napatitig sa hawak ko na mga libro.

"Araw-araw, may isinusulat sa librong iyan si Captain Mary. Her adventures and even her own mishap in this world," dagdag pa ni Alessia na siyang ikinakagat ko ng labi ko. "Captain Mary is more than what you're thinking she was, Rhianna Dione. She lived her life as a warrior, a protector of this land and a parent to us."

Napatingin ako rito at natigilan noong mamataan ang emosyong sa mga mata nito.

"Live your life," anito at hinawakan ang kamay kong hawak-hawak ang mga libro. "Iyan palagi ang sinasabi ni Captain Mary sa amin. Hindi namin alam kung ano ang laman ng mga librong ito pero sana'y makatulong ito sa'yo. We need you here as Captain Mary, Rhianna Dione. We need you to clear your mind and accept this fate of yours. This is the new you. You were reborn as her. As Captain Mary. The captain of Tyrants."

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at tiningnan ang iba pang miyembro ng Tyrants.

Lahat sila ay tahimik na nakamasid lamang sa aming dalawa ni Alessia. Mayamaya lang ay namataan ko ang pagtango nila sa akin.

Fate. Is this really my fate? To be in this world and not in the world of the Great Ferrer Empire? I don't know. I don't really know! Naguguluhan pa rin talaga ako! My mind is still in chaos!

"Babasahin ko muna ang mga librong ito. I need to understand first my role as your captain and after that, we'll go to Vallasea and we'll help Grand Master Walter," pinal na sambit ko na siyang ikinaayos nang tindig ng mga kasamahan ko.

"Yes, Captain Mary!" Halos sabay-sabay na sambit nila na siyang ikinangiti ko.

I can do this! All I need is to accept this fate! Accept and live with it!

Realm of the NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon