Chapter 13: Destined

2.6K 200 29
                                    

The Phoenix Knights.

Tahimik ko silang pinagmamasdan habang nakapalibot sa higaang kinalalagyan ng kanilang Grand Master.

Nasa silid kami ngayon ni Grand Master Walter, maging ang hari ng Northend ay narito rin sa silid nito. Nasa tabi ko naman ang Tyrants at seryosong nakamasid rin sa kanila.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, Grand Master?" Tanong ng isang Phoenix Knight na may gintong espadang nakakabit sa bewang nito. Is he the leader of this team? Well, he looked like one. I can feel the strong presence within him.

"Maayos na ang pakiramdam ko, Atlas. No need to worry. The Tyrants really took care of me," sambit ni Grand Master Walter at binalingan kami. "Captain Mary and the Tyrants saved me."

Halos sabay-sabay na bumaling sa amin ang Phoenix Knights at mabilis na yumukod. Napataas ang kilay ko sa ginawa nila at napatingin sa nakahiga pa ring Grand Master ng Phoenix. Kita kong tumango ito sa akin kaya naman ay muli kung binalingan ang mga Phoenix Knights.

"What brought you here, Knights?" Tanong ko sa kanila noong umayos na ang mga ito sa pagkakatayo nila.

"We followed the Knights from this realm, Captain Mary." Sagot ni Atlas sa akin. "Winter saw what happened to them. Hindi pa sila nakakapasok sa premises ng Phoenix ay may humarang na sa kanila."

Humarang?

"Thunder," mahinang sambit ni Alessia sa likuran ko na siyang nagpakuyom ng mga kamao ko. That bastard!

"At noong tutulungan na sana namin sila, huli na kami. They were already being controlled by someone. Dark spells," ani naman ng isang babaeng kasama nila.

"Iyong mga nahuli ba namin ang nakita niyong kumontrol sa kanila?" Amell asked them. Natigilan ako sa naging tanong nito.

Mukhang nalaman agad ng Tyrants ang tungkol dito.

"No," sagot ni Atlas. "Tanner managed to collect some data from the enemy," aniya at naglakad papalapit sa amin iyong pinakamatangkad na miyembro ng Phoenix Knights. May inilabas itong kulay itim na bilog na bagay at binitawan sa ere. Napatingala ako at napataas na lamang ng isang kilay noong makakita ng mga imahe.

"Habang papunta kami dito sa Northend, nangalap na ako ng mga impormasyong makakatulong sa atin laban sa kalaban. This is Socorio from the realm of Hilienne. He was known as the black wizard of that realm. He worked alone not until he met this guy," aniya at may panibagong imahe akong nakita. I froze. "The man who supports Socorio from his evil deeds, Theodore."

Theodore? Fvck! That's my father!

What's happening here?

"Theodore. The owner of Knights Academy in Hilienne." It was King Louis IV.

Napaawang ang labi ko.

Hindi ko inalis ang paningin sa taong tinatawag nilang Theodore na mula sa realm ng Hilienne. I can't believe this! He looked exactly my father! And his name! Bakit Theodore rin? Ano ito? Ano na naman ang nangyayari?

"We need to stop them," sambit ng isa pa sa Phoenix Knights at naglakad papalapit na rin papalapit sa amin. "They already attacked our Grand Master. That was their way of declaring war against us."

"How about the king of Hilienne? Anong ginagawa niya at bakit may ganito sa realm nila?" Zahra asked them.

"We can't get any contact from him," wikang muli ni Atlas. "We tried but the Hilienne's Knights blocked us. We even tried to investigate about the recent attacks here in Northend but we got no response from them."

"We already have an idea what's happening inside the real of Hilienne. Without any confirmations, they're now under the supervision of Theodore."

"Theodore," mahinang sambit ko sa pangalan nito. I don't like this feeling. I never read his profile in any of the entries from the book of Captain Mary! This is not good.

"You know something about him, Captain?" I heard Owen asked.

I sighed then looked to my comrade.

"Never heard of him," mabilis kong sambit at napakagat ng pang-ibabang labi. "Babalik na ako sa headquarters natin. I need to know about this man and Socorio." Mabilis na tumango ang Tyrants sa akin kaya naman ay binalingan kong muli ang Phoenix Knights. "Kayo na ang bahala kay Thunder at sa dalawa pa nitong kasama. This is your job as one of the Phoenix Knights. Make sure na pagbabayaran nila ang ginawa nilang pag-atake dito sa Northend. Dahil kung hindi," tumigil muna ako sa pagsasalita at binalingan si Grand Master Walter. "Ako mismo ang gagawa nang hakbang para pagbayaran nila ang ginawa nila sa realm na ito."

Walang umimik sa Phoenix Knights kaya naman ay malakas kong itinukod ang dulo ng espada ko sa sahig ng silid. Ramdam kong  naging alisto ang mga ito samantalang napailing na lamang Tyrants sa ginawa ko.

"Kami na ang bahala dito, Captain," ani Owen at tinanguhan ako. "Kakausapin din namin si Thunder at baka sakaling maisalba pa namin ito mula sa maling desisyong ginawa niya."

"He already sold his soul to the dark side, Owen. It's too late. You can't save him," sambit ko at tinalikuran na sila.

Mabilis akong  bumalik sa headquarter ng Tyrants. Dumeretso ako sa kuwarto ko at dinampot ang librong nakapatong sa kama ko.

"Theodore," sambit ko habang hinahanap ang pangalan nito sa bawat pahina ng libro. "Who the hell is Theodore?"

Nasa dulong parte ng ako ng libro noong natigilan ako.

"This is the last page," mahinang turan ko noong makitang wala nang nakasulat roon. "Paano na ito? Wala akong ideya sa kalaban namin. Socorio. Theodore. How can I defeat those men?"

Akmang isasara ko na iyong librong pagmamay-ari ni Captain Mary noong bigla akong may napansin sa pinakahuling pahina nito. Inangat ko ito at matamang pinagmamasdan.

Slowly, visible letters are now written on the blank page. Napaawang ang labi ko noong mabasa ko kung ano iyon.

"Theodore of the Knights Academy," mahinang basa ko sa mga nagsisilabasang mga salita. Halos hindi ako kumurap habang binabasa ang mga ito. Lahat ng impormasyong kailangan ko ay ngayon ay nakasaad na sa librong pagmamay-ari ni Captain Mary!

"Theodore was once a candidate of being the next Grand Master of Phoenix?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili. "And when he failed to be the next Grand Master, he established the Knights Academy and trained those Agarthians who dream to be a great and powerful Knights."

Isinara ko ang libro at naupo sa gilid ng kama ko.

"So, he's trying to destroy the Phoenix and the four realms. At kung mangyari iyon, siya at ang mga Knights nito ang matitira sa mundong ito. Without the Phoenix and the leaders per realms, they're dominant and superior. They will control and rule the whole Azinbar if the Phoenix failed to protect this world."

Ang tanong, kakayanin ba ng Phoenix na protektahan ang buong Azinbar? Even their Grand Master failed to protect himself from the enemy. At kung susuriing mabuti, mas mataas ang lebel ng kapangyarihan ng Tyrants kumpara sa tinatawag nilang Phoenix Knights.

Ito na ba iyon? Iyong mga babalang nakasaad sa librong isinulat ni Captain Mary?

Don't trust the Phoenix. Ilang beses ko iyong nabasa noonz Mukhang ito na nga iyon! Theodore was supposed to be the Grand Master of the Phoenix. But I guess, with or without the position, he was destined to destroy Azinbar. Ilang ulit na naging babala ito sa lahat ng Captain Mary!

"And you are destined to fight and defeat him, Rhianna Dione."

Natigilan ako sa narinig. It was Captain Mary's voice!

"Now, I bet you can clearly see the reason why you're here."

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko dito. The reason why I'm here? What? Is it Theodore? Siya ba ang dahilan?

Damn! Is it because of my father?

"You can't escape something bound to happen, Captain Mary. In this world, those who have faith and courage to live will survive. You need to survive. You need to protect this world. And for the second time, you need to save yourself from him."

Napaawang ang labi ko sa mga naririnig.

This can't be happening! Is he my father? This Theodore here in Azinbar? Or just a counterpart of him?

Damn! This is really not good!

Realm of the NorthHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin