Chapter 14: Protect

2.5K 193 27
                                    

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ngayon.

I wanted to meet Theodore but a part of me keep on telling me that it is not a good idea. At all! Wala akong ibang alam sa kanya maliban na lang doon sa mga nabasa ko sa librong pagmamay-ari ni Captain Mary. Basic informations, that's it. Ni hindi ko alam kung ano ang kaya nitong gawin. The fact that he was once a candidate to be the next Grand Master of the Phoenix, he's definitely a strong one.

Phoenix! Oh, what a headache! How can I handle them? Masiyadong komplikado ang mga koneksiyong mayroon sila!

"But, I can't just cage myself here," angal kong muli sa sarili at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. "Noong nasa puder pa ako ng mga Ferrer, ginawa ko ang lahat para maging malaya. I never stop till I achieved my goals! Dapat iyon din ang gawin ko sa mundong ito. I'm not Rhianna Dione for nothing!"

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako sa mundong ito kaya naman ay marapat lang na protektahan ko ito habang nasa katawan ako ni Captain Mary. If the whole Azinbar fail, saan naman ako mapupunta nito? Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa mundong pinanggalingan ko. If I die here, no one knows what will happen to me.

At hindi ko hahayaang mangyari iyon!

"King Louis IV," mahina kong sambit sa pangalan ng hari at mabilis na lumabas sa silid ko. He might know something about this Theodore guy. Siya lang ang makakatulong sa akin ngayon!

Tahimik akong nagtungo sa main building ng palasyo. Dere-deretso ang lakad ko hanggang sa marating ko ang malaki at eleganteng pinto ng opisina ng hari. Mabilis na yumukod ang dalawang taga-bantay sa akin at pinagbuksan na ako ng pinto. Hindi ko sila binati pa at mabilis na humakbang papasok sa silid.

Natigilan ako sa paglalakad noong mamataan kong hindi lang ang hari ng Northend ang sa silid. Bahagya akong yumukod bilang paggalang sa presensya ng asawa ng hari, ang reyna ng Northend, Queen Shantal.

"Captain Mary," bati sa akin ng Reyna sa akin. Tinanguhan ko ito at umayos nang pagkakatayo. Binalingan nito ang asawa habang hawak-hawak ang malaking tiyan nito. The future king of Northend. The son of the great King Louis IV. "May mahalaga ba kayong pag-uusapan ni Captain Mary? Babalik na lang muna ako sa silid ko, Louis," ani ng reyna na siyang mabilis na ikinatango n hari.

"Susunod ako sa'yo pagkatapos nang pag-uusapan naming dalawa ni Captain Mary," wika ng hari at marahang hinaplos ang tiyan ng reyna. Tahimik ko lang pinagmasdan ang dalawa. Mayamaya lang ay nagpaalam na rin ang reyna sa akin at may dalawa taga-silbi ang umalalay dito palabas ng silid.

Noong kami na lamang ng hari ang naiwan sa silid, nagsimula na naman akong maglakad papalapit sa kinauupuan nito.

"Your Majesty,," panimula ko dito. "I want to know about Theodore."

"You mean Theodore of the Knight Academy?" Tanong nito na siyang mabilis na ikinatango ko.

"I don't have any knowledge of him, Your Majesty," I honestly said. "And I'm afraid that we're dealing someone's powerful enough to destroy the whole Azinbar."

"It's okay to be afraid, Captain Mary. You never met that man before. Kaya marahil ay walang impormasyon kang makuha mula sa mga nagdaang Captain Mary," sambit ng hari at may inihagis sa ere. Natigilan ako. Katulad ito sa bolang ipinakita sa amin noong isang Phoenix Knight. Mga imahe ni Theodore ang bumungad sa mga mata ko.

Damn it! He really looked like my father!

"My brother, Walter, and Theodore are good friends. Wala namang naging problema kay Theodore ang pagkahalal kay Walter bilang Grand Master ng Phoenix. He even created the Knight Academy at lahat ng mga grumaduate doon ay naging bahagi ng Phoenix Knights na siyang hinawakan naman ng kapatid."

Tahimik kong pinapakinggan ang mga salitang binibitawan ni King Louis IV. Hindi ko rin maalis ang paningin ko sa mga imahe ni Theodore. He looks like a great Knight, a great man, just like my father. At kagaya ng aking ama, alam kong malupit din ang isang ito. Kahit mga imahe lang ang nakikita ko ngayon, naramdam ko ang kakaibang kapangyarihan nito base lang sa tindig pa lang ng taong ito.

"While the Tyrants were busy defending this realm against Hilienne, I did a little investigation, Captain Mary," wika ng hari ng siyang ikinatigil ko. Binalingan ko ito at matamang tiningnan. "Theodore practiced using dark spells with the help of Socorio. He managed to create something powerful and similar to the spells Captain Mary created before. He recently completed it and when you came here in Azinbar, a new persona of Theodore appeared."

A new persona? No way!

"A ruthless head of Knight Academy. An ambitious one."

"Is it possible that this persona came from my world, too?" Kinakabahang tanong ko sa hari.

"I can't answer that, Captain Mary," mahinang tugon ng hari. "Hindi natin alam kung anong klaseng spell ang ginamit ni Theodore. It may not be a perfect spell like Captain Mary's but I know for sure that he created something dangerous that even the king of Hilienne can't handle."

"So, anong gagawin natin ngayon? How can we deal something like him?"

"I already talked to Walter about this matter. Kaya na nitong kumilos at babalik na ito sa Phoenix. Some of his Knights will remain here in Northend. Magbabantay sila sa boundary ng Northend at Hilienne," aniya at humugot muna ng isang malalim na hininga. "Bukas sila babalik sa Phoenix main headquarter at sasama ang Tyrants papunta sa Phoenix para protektahan ang Grand Master nito."

"We can't do that," mabilis akong umalma sa sinabi nito. "We can't leave you and the people of Northend, Your Majesty. Once is enough. Niligtas na namin ang Grand Master noong nasa Vallasea ito. Mas kailangan ang Tyrants dito sa Northend."

"Captain Mary, alam mo kung anong mangyayari sa Azinbar kung wala ang Phoenix. We can't let the Grand Master die."

"Your Majesty, they're the Phoenix. They're powerful. They can fight and defend their selves! At isa pa, hindi lang naman ang Phoenix ang target ng kalaban natin. The four realms of Azinbar, too! We can't let our guards down."

"Still, we need to secure the Grand Master's safety. Not because he's my brother, Captain Mary, but because he needs to be alive while we're fighting against the enemy."

"Fine! Then, I'll go with him, Your Majesty. The rest of the Tyrants will stay here in Northend."

Nagkatinginan kami nang hari at natigil sa pagpapalitan ng mga salita. I can't believe him! Bakit niya ba pinagpipilitang gawin ko ang bagay na iyon? Kasama ng Grand Master ang Knights nito! They can protect him, for Pete's sake!

Mayamaya lang ay nakita ko itong humugot ng isang malalim na hininga at tumayo mula sa kinauupuan nito.

"Tell me, Captain Mary," matamang sambit nito habang hindi inaalis sa akin ang paningin nito. "Anong kaya mong gawin para maprotektahan ang realm na ito?" He asked me without breaking his eye contact on me. "Can you give your own life to protect Northend?"

"This is not my life, King Louis IV. This is not the real Captain Mary you're talking with," matamang sagot ko dito. "But, to answer your question, well, I'll give everything I have, kung mayroon man akong ganoon sa mundong ito. Captain Mary gave me a second chance to live. And in return, I need to use her body, her power, to protect this land. And that land is the realm of Northend, Your Majesty. Hindi kung sino ang dapat kong protektahan. Hindi kung sino iyong dapat kung pag-aksayahan ng lakas at oras. Ang Northend at ang mga taong naninirahan sa realm na ito ang dapat na protektahan ni Captain Mary. Cause that was her mission, my mission and the reason why I'm here in this world."

"You really think that it is your mission, huh, Rhianna Dione?" Natigilan ako noong banggitin nito ang pangalan ko. I firmly closed my fist while listening to the king's word. "Na katulad ng sa mga nagdaang Captain Mary, iyon pa rin ang misyong dapat mong sundin. Iyon ba ang nasa isip mo, Rhianna Dione?"

"What else could it be, King Louis IV?" Mariing tanong ko dito. "Kung hindi iyon ang misyong nakatalaga sa akin, bakit ako pa narito? Bakit ako nabuhay muli bilang Captain Mary?"

"Sometimes, you have to look what's already in front of you, Rhianna Dione," makahulugang sambit ng hari sa akin. Ngumiti ito sa akin at tinalikuran na ako.

"You can leave now, Captain Mary. Protect the Grand Master and find your purpose why you are here in this world."

Realm of the NorthWhere stories live. Discover now