Chapter 11: Attack

2.5K 164 4
                                    

Hindi ko inalis ang paningin sa Tyrants. I know they already know what my plan is. Kailangan ko lang ngayon ay ang pagsang-ayon nila sa nais ko.

"I also have the full authority towards the Northend Knights. Habang isinasagawa ko ang plano ko, Amell and Alessia will ready them in case we failed to find and stop the real enemy," wika ko at binalingan si Jaycee. "You'll stay here and protect the Grand Master. Isa siya sa target kaya dapat may isa sa atin ang magbabantay sa kanya."

"Yes, Captain Mary," mabilis na tugon ni Jaycee sa akin.

"And the rest of us will track them down," dagdag ko at binalingan si Owen at Zahra. I need someone who's powerful like Owen and with Zahra's ability, we can easily track someone who have been entered the premises of Northend.

We need to find them as soon as possible. Stoping the war before it even start is the only way to save this world.

Akmang magsasalita na sana ulit ako noong mabilis akong natigilan. Napatingin ako sa pinto ng silid at napakunot ang noong makarinig nang sunod-sunod na pagkatok doon. Si Amell na ang kumilos sa puwesto nito at pinagbuksan ang kung sino man ang nasa labas ng silid.

Ipinilig ko ang ulo at pinagmasdan ang humahangos na Knights. Kita ko ang takot sa mukha nito kaya naman ay naalarma ako.

Enemy.

"Captain Mary," aniya at may itinuro sa kung saan. "They're back," dagdag nito na siyang ikinatayo ko.

"They're back? You mean, the Knights from Phoenix?" Mabilis na tanong ni Owen dito. "Where are they?"

"Nasa labas ng palasyo," tila na hihirapang sambit nito. "Ngunit hindi namin sila puwedeng papasukin, Sir Owen."

"At bakit naman hindi puwede?" Zahra asked him then looked at my direction. Nagkibit-balikat ako dito at muling itinuon ang paningin sa humahangos na Knight.

Umayos nang pagkakatayo ang Knight at humugot muna nang isang malalim na hininga bago magsalitang muli.

"They're injured," aniya na siyang ikinakuyom ng mga kamao. "And... and they're being controlled! They're attacking us!"

Damn!

Mabilis na kumilos ang Tyrants pagkatapos marinig iyon mula sa Knight. Sa isang iglap, ako na lang ang natira sa headquarter namin ngayon. Napangisi ako at ipinilig ko ang ulo ko pakanan. Hinaplos ko ang sintido ko at napabuntong hininga na lamang.

What the hell is happening now?

Marahan akong humakbang at natigilan noong maramdaman ko ang palakas na enerhiyang kanina ko pa nararamdaman. Now, that explain why I felt so uneasy earlier. At iyong nangyayari ngayon sa labas ng palasyo. They're here! Nasa Northend ngayon ang nagcast ng dark spell kay Grand Master Walter!

I sighed and cursed mentally. Looks like mababago ang plano namin ngayon.

Lumabas na ako sa silid at inihanda ang sarili sa maaring mangyari. Inayos ko ang pagkakatali ng buhok at tinakbo na ang distansiya patungo sa main gate ng palasyo.

Malayo pa ako sa main gate ay kita ko na ang gulong nagaganap ngayon doon. I can see Knights holding their weapons now. Napakunot ang noo ko noong may makita akong maitim na usok na nakapalibot sa kanila. I walk slowly and when I was just a meter away from them, one of those Knights that are being controlled attack them.

Napailing ako. Akmang hahakbang na muli ako noong bigla akong natigilan at napatingin sa himpapawid. Dark and heavy clouds are now invading the whole area. Napaawang ang labi ko. What is this? May paparating bang bagyo?

Pinagmasdan ko ang kalangitan at napapitlag na lamang noong biglang kumulog at kumidlat. Sunod-sunod ang pagkidlat kaya naman ay napaatras ako. This is odd! Maganda ang panahon kanina noong makabalik kami galing Vallasea!

Realm of the NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon