Chapter 26: Fight

1.8K 153 17
                                    

Nanatili akong nakaluhod habang pinagmamasdan ang mga kamay ko. Kumurap ako at napangwi noong makaramdam ng kirot doon. Ramdam ko pa rin ang init na bumalot dito kanina. Tila napapaso pa rin ang mga ito sa tindi ng enerhiyang dumapo sa mga kamay ko.

Napapikit ako at humugot ng isang malalim na hininga.

Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kapangyarihang ibinigay sa akin ng Great Guardian Phoenix. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang ibinigay niya ito sa akin. Ibinigay niya ang kapangyarihan niya sa isang katulad ko. Kapangyarihang alam kong ako lamang ang mayroon ngayon sa mundong ito. Kapangyarihang tiyak kong magliligtas sa buong Azinbar.

"Protect this power and this world, Captain Mary."

"I will protect this world," mahinang sambit ko at muling iminulat ang mga mata. Tumingala ako at pinagmasdan ang puwestong kinaroroonan kanina ng Great Guardian Phoenix. She's gone. The beautiful red and blue flames are gone. Wala na ang bakas nito sa silid na kinaroroonan ko.  At walang nakakaalam kung kailan muli itong magpapakita dito sa Azinbar.

"Captain!"

Mabilis akong napabaling sa pintuan at namataan ang mabilis na paglapit ng Tyrants sa akin. Agad silang napaluhod sa harapan ko at matamang tiningnan ang kabuuan ko.

"What happened, Captain? Are you okay?" Tanong ni Alessia at binalingan ang kamay kong sugatan. "Jaycee! Cast your healing spell!"

"On it," mabilis na wika ni Jaycee at itinapat ang kamay nito sa mga kamay ko.

"Malalim ang mga sugat ng kamay mo, Captain. Anong nangyari? At nasaan na iyong babae? Siya ba ang tinatawag nilang Phoenix?" Rinig kong tanong ni Amell kaya naman ay napabaling ako dito. Namataan ko itong pinagmamasdan ang buong silid at tila hinahanap ang nakita nilang babae kanina.

"She's gone." Tipid na sambit ko at tiningnan muli ang mga sugatang kamay. Unti-unti na itong naghihilom ngayon.

"Gone? What do you mean, Captain Mary?" It was Atlas. "Natalo mo na ang Great Guardian?"

"No," mabilis na sagot ko at binalingan ito. "No one can beat her. She was too powerful."

"Kaya ba ganito ang sinapit ng mga kamay mo, Captain?" Owen asked then give me my sword. "Kung hindi mo siya nagawang talunin, paano na ang Azinbar? We failed the realm of Northend and our king, Captain."

"Owen, stop it." Singit ni Zahra at hinawakan ang kamay ko. "With or without the Phoenix's power, we know that Captain will still lead us to victory. Right, Captain?"

"Hindi ko siya natalo dahil sa una pa lamang ay wala talagang balak makipaglaban ang Phoenix sa akin," sambit ko na siyang nagpatigil sa kanila. Nagpasalamat ako kay Jaycee at tumayo na mula sa pagkakaluhod. "She gave me an unexpected test and I managed to pass." sambit ko at nagsimulang maglakad patungo sa puwestong kinaroroonan ng Phoenix kanina.

"Wait, Captain... you mean?" Alessia asked as she follows me.

"I have the Phoenix's power now," wika ko at inalis sa pagkakatarak ang espadang nasisiguro kong pagmamay-ari ng Phoenix. "She gave me what we wanted. She gave me a weapon to defeat our enemy. We didn't failed, Owen. We will never fail."

"Captain Mary!"

Halos sabay-sabay kaming napalingon sa pinto noong marinig namin ang sigaw nang natatarantang si Aviana. Pinagmasdan ko itong lumapit sa akin at natigilan noong hawakan niya ang mga kamay ko.

I froze where I'm standing. Napakunot ang noo ko noong may mga imahe akong nakita sa isipan ko. What is this? 

"A precognition, Captain Mary," rinig kong sambit ni Aviana sa harapan ko. Mas dumiin ang pagkakahawak nito sa akin kaya mas naging malinaw ang mga imaheng nakikita ko.

Realm of the NorthWhere stories live. Discover now