Chapter 35 - Surprise

Depuis le début
                                    

Agad ko siyang nilapitan na kasalukuyang nakaupo sa sofa. Syempre tinabihan ko siya. At ang masasabi ko lang sa suot niya ngayong gabi, HE'S SO TOTALLY CUTE! >///<

" Ang tagal mo namang bumaba! Babae ka nga talaga! " Iritableng sinabi ni Daniel sa akin.

" Syempre! We need to do some things like yung magpaganda! at syempre gusto ko, sa akin ang atensyon nila mamaya. " Sabi ko sa kanya na may halong evil smile sa aking mukha.

" Really?? As if naman na pagtitinginan nina Mhel mamaya? Haha. " Pang-aasar niya. Nag-usok b igla ang mukha ko dahil sa sinabi niya. 

" Parang sinasabi mo na ang baduy ng suot ko ha! Kung mang-aasar ka na lang dyan habang buhay, pwes aalis na ako. Ayaw kong paghintayin sila nang matagal noh! " At sabay tayo at nag-walk out palabas ng bahay. Narinig ko naman na may mga yabag na sumusunod sa akin kaya ako napalingon. Tama nga ang hinala ko! Sinusundan ako ni Daniel pero diretso lang Shayne sa paglalakad! Huwag mo siyang papansinin.

" God! 4:50pm na! Makakaabot pa kaya ako? Ayaw pa naman nila na pinaghihintay ko sila ng matagal lalo na si Renz. Naku naman oh! Malilintikan ako nito pag nagkataon! " Napasipa pa ako sa sahig pagkalabas ko sa bahay. May napansin akong sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay. Hindi ko alam kung kanino to pero isang tao lang ang pumasok sa isipan ko. 

" Pwede pa bago pa tumulo ang laway mo dyan, sumakay ka na sa loob? At malalate na tayo! " Sigaw niya sa akin. Saka ko lang napansin na nasa driver's seat na pala siya at pinagbuksan niya ako ng pinto. May pagkagentleman din pala ang isang to. Akala ko puro katarayan lang alam na gawin sa mundo.

Dahil na din sa narinig ay agad ko siyang nilapitan at pumasok sa loob. Hindi ko na tatanungin sa kanya kung kanya nga ang kotse na sinasakyan ko ngayon dahil halata naman sa kanya na sa kanya ito. Pero ang nakakapagtaka lang eh bakit hindi niya ito ginagamit papasok ng school? Bakit mas pinipili pa niya an mag-commute na lang kesa magdrive? Hmm. .  This thing will be a puzzle for me :) 

Hindi ko na namalayan na inistart na pla niya ang engine ng sasakyan at ngayon ay kasalukuyang nagdadrive sa highway papunta kina Alwyna. Nakakapagtaka din na alam niya nag way papunta doon nang hindi niya ako tinatanong? Hmm. I smell something fishy here! 

Natauhan na lang ako bigla nang tumunog ang phone ko mula sa pouch. Agad ko naman kinuha ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

Calling. . . Renz

Agad ko namang sinagot ang tawag niya.

" Hoy babae! Nasaan ka na ba ha?? Kanina pa kami naghihintay dito! " Sigaw niya sa akin mula sa kabilang linya.

" Hoy! Mabibingi naman ako sa iyo! Papunta na kami dyan ni Daniel sa bahay ni Alwyna. " Sigaw ko din sa kanya. Makasigaw kala mo walang tenga yung kausap!

" Kasama mo si Daniel?? " Nagtatakang tanong niya sa akin.

" Yap kasama ko siya! Why? "

" Nothing! Wala kami sa bahay ni Alwyna ngayon. Nasa isang bar kami. Bar ata ni Nicko ito kung hindi ako nagkakamali. "

" Ah ok! Susunod na kami dyan! San banda ba yan? "

" Somewhere malapit sa condo ni Nicko. Hintayin ka na lang namin dito! Exclusive ang gabing ito dahil tayo lang ang custiomer ng bar! " Excited niyang sinabi sa akin.

" Okay! We'll be there in just a minute! "

* toot.toot.toot*

Agad kong pinasok sa pouch ang phone ko at nang lilingon na ako kay Daniel ay laking gulat ko na napakalapit ng mukha niya sa akin. Yun bang konting space na lang eh magkakahalikan na kami! Hindi na napigilan nang mukha ko ang mamula ng sobra sobra! >///< 

Thanks For The Memories (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant