KABANATA 29

80.9K 2.2K 544
                                    

"Goodmorning maam" masayang bati sa akin ni manong sekyu ng hospital.

Nakakagulat man ang kasiyahan niya ay nginitian ko nalang din siya pabalik at bahagyang tumango bilang paggalang.

"Goodmorning/Goodmorning Azaia" puros nakangiting bati ng mga kapwa kong nurse na aking nakakasalubong.

"Goodmorning" usal ko pabalik sa kanila at naroon ng lihim na pagngiwi.

Sana all maganda ang araw diba.

Day off ko ngayon kaya naman balak ko ulit tingnan si Xenoah. Nakasakay na ako ng elevator pataas sa tamang palapag kung nasaan si Xenoah nang sumakay rin si Mrs.Duque, ang head nurse namin.

Matamis niya akong nginitian. "Goodmorning Azaia" she mumbled.

Isa na naman pong tao ang may masayang panimula ng araw.

"Goodmorning din po" magalang kong sagot.

Naroon parin ang kanyang ngiti habang mariin akong pinagmamasdan.

"May problema po ba?" alanganin kong tanong dahil ang creepy na ng dating niya para sa akin.

Hindi kaya natomboy na siya dahil sa ganda ko?

She chuckled and shake her head.

"Nothing, it's just I'm happy for you." she sincerely said.

Matinding pagpipigil ang ginawa ko wag lamang kumunot ang aking noo sa pagtataka.

Parang kahapon lang awang-awa siya sa akin tapos ngayon ay daig niya pa ang tuwang-tuwa.

Napangiwi nalang ako sa aking isip.

Nakasinde siguro sila.

Hindi ko na pinakaisip ang mga mood nila dahil baka pati ako ay mahigh lamang dahil sa kanila. Nauna akong umalis sa elevator nang tumigil iyon sa palapag na aking pinindot. Magalang kong nginitian si Mrs.Duque bago naglakad patungo sa silid kung saan naroon si Xenoah.

Marahan kong pinihit ang segundura ng pinto at mabagal na binuksan.

"What the fvck?" I uttered lowly when I saw my friends, Xenoah's parent and even my son--Rafael inside.

Nakangiti sila sa akin bagamat naroon ang namumuong luha sa mga mata nila.

Pinalandas ko naman ang aking paningin sa kama ni Xenoah at ganun nalang ang gulat ko ng hindi ko siya natagpuan roon.

My heart skips a beat as I scanned the people in the room pero walang Xenoah akong nakita.

Hindi..

Hindi naman siguro..

"N-Nasaan po si Xenoah?" utal kong sambit habang nagsimulang magbara ang lalamunan ko sa takot at kaba.

Hindi..hindi niya ako iiwan, lalaban siya.

As on cue, a song echoed in the whole hospital.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang pamilyar na boses ang narinig kong nagmumula sa mga speaker ng hospital.

105 is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do.

Nagsimulang magtubig ang aking mata kasabay ng pagtakip ko sa aking bibig sa sobrang gulat at saya sa aking kalooban.

And you know one of these days when I get my money right
Buy you everything and show you all the finer things in life
Will forever be enough, so there ain't no need to rush
But one day, I won't be able to ask you loud enough.

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now