KABANATA 28

68.1K 2.1K 915
                                    

Maiingay na sirena at busina ng sasakyan ang aking narinig nang sandaling bumalik ang aking ulirat.

Marahan kong idinilat ang aking mata sa kabila ng pamamanhid ng aking katawan. Ang malabo kong paningin ay unti-unting nagkakalinaw bagamat nanatiling liyo ang aking mata.

Puros magkakaibang ilaw ang tumatama sa aking paningin. May asul, pula, at puti. Ramdam ko ang pagtulo ng malapot na likido mula sa aking noo pababa sa aking mukha.

"Xenoah" mahina kong bulong nang maalala siya.

Sinubukan ko muling pumikit at saka marahang nagmulat upang mabawasan ang pagkaliyong nararamdaman.

My vission became clearer than earlier. Unti-unti ay nakita ko ang walang malay na mukha ni Xenoah habang nakayakap sa akin ang kanyang katawan. Naliligo sa sariling dugo ang buo niyang mukha na siyang nagdulot sa akin ng matinding kaba at takot.

"Xenoah" muli kong subok na tawag sa kanya kasabay ng walang tigil na pag-agos ng aking luha.

I tried to escape from his hold but my body is too weak to make a move.

"Xenoah, pakiusap buksan mo ang mata mo." nahihirapan man akong magsalita dahil sa panghihina at muling pagdaan ng matinding liyo sa akin ay sinikap ko paring kausapin siya.

"Wag mo kong iwan please. Wag." umiiyak kong bulong bago muling tuluyang nawalan ng ulirat.









"Mom, will dad be happy in heaven?" Rafael asked innocently while looking at his grave.

Mula sa kanyang likuran ay naglakad ako palapit sa kanyang pwesto at yumukod upang magpantay kami.

Hinaplos ko ang kanyang buhok at ngumiti nang nilingon niya ako.

"Yes baby, lahat ng nasa piling ni God happy." I answered and kissed his forehead.

Napabuntong hininga naman siya bago muling tumingin sa lapida.

"Smile and laugh always dad." he uttered.

Napangiti naman ako sa kainosentehan ng anak ko. Niyakap ko si Rafael at saka tumitig sa nakaukit na pangalan sa lapida.

Sana ay maging masaya ka dyan sa langit..

Nagpalipas kami ng ilang sandali hanggang sa matunaw ang kandilang sinindihan namin at saka ko niyaya si Rafael paalis. Naglalakad na kami palabas sa sementeryo nang makasalubong namin si Safey.

Ngumiti kami sa isa't-isa nang magkalapit kami.

"How is he?" tanong niya sabay tingin sa direksyon kung saan nakalibing ang dinalaw namin ni Rafael.

"Tahimik parin" sagot ko at bahagyang napatawa.

Ngumiwi naman siya at umirap sakin.

"Kahit kailan wala sa ayos mga sagot mo Azaia" she mumbled shaking her head with disbelief.

"It's been three months" ani niya pagkatapos ng ilang sandali at saka tipid akong nginitian.

"Yeah" I simply agreed and looked at the sky.

Napakabilis ng panahon.

"Bjorn's now already at peace" mahinang usal niya.

Mapait akong ngumiti.

"I didn't expect it to end like this" I uttered and looked at her.

Bjorn died on the spot of the accident, dahil hindi ito nakaseatbelt at walang siyang malay nang sumalpok ang sinasakyan namin ay mahigpit na napuruhan ang kanyang katawan at hindi na kinayang lumaban pa.

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now