KABANATA 14

64.7K 2.1K 254
                                    

Being with Xenoah while watching some random romance movie feels different. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng kaagaanan sa loob ko.

Nakayakap siya sa akin habang ako naman ay nakasandal sa kanyang dibdib habang parehong nasa tv ang aming paningin.

"You are aware that what we're doing is wrong, right?" mahinang usal ko at marahan siyang tiningala.

Tumungo naman siya sa akin at awtomatikong pinatakan ng halik ang aking noo.

"Baby I said I don't care. Ang mahalaga ay nasa piling kita" sinsero nyang sabi.

"Why?" wala sa sariling usal ko na ikinakunot ng noo nya.

"Why do you like me? I never did anything to make you fall for me" I continued.

He warmly smiled at me and tightened his hug around my waist. Pagkatapos ay isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.

"You are not hard to like Azaia. I can't give you any reasons for that, it's just from the very first time that I laid my eyes on you. I know you are the one for me." he  stated.

"Is it possible to like a person at first sight?" nakangusong sambit ko.

He chuckled and suddenly kissed my neck.

"I am the proof baby" he whispered.

"Napakalandi mo" usal ko at bahagya siyang itinulak. Baka mamaya ay kung saan pa mapunta ang panunuod namin. Tsk!

"Sayo lang" he mumbled.

I rolled my eyes and get back on my position on his chest.

"Tell me something about your marriage with him" he said while caressing my hair.

Natigilan naman ako at napatingin muli sa kanya.

He looked at me and I automatically shut my eyes when he kissed me.

"Slowly, pakakawalan natin ang sarili mo sa masakit mong nakaraan." he whispered.

"It's still in my present" mapait kong wika saka iminulat ang aking mata.

Hinaplos niya ang aking mukha saka ngumiti.

"Who said that? Baby I am your present and also your future. You will be on my side not his." he uttered.

Napangiti nalang ako sa lakas ng kumpyansa niya kahit pa sa loob-loob ko ay hindi ko rin maiwasang umasa.

Hanggang saan nga ba tayo dadalhin ng kataksilang ito?

I let out a deep sigh and leaned again on his chest.

"Lets start where it all started. Magkaibigan ang mga magulang ko at magulang ni Bjorn kaya naman mga bata palang kami ay inareglo na nila kami para sa isa't isa.." pagsisimula kong magkwento at inalala ang lahat.

"Highschool na kami noon nang mapagdesisyunan naming subukan ang isa't isa dahil sa huli ay kami rin naman ang ipapakasal ng mga magulang namin. Apparently, naging ayos naman. Naging kami and I could say masaya kami sa lumipas na mga taon..."

"Dumating na nga ang oras na nakapagtapos na kami at nakahanap ng sari-sariling trabaho then he proposed.." I stop and glance at him. Ngumiti naman siya sa akin at tumango sensyales na magpatuloy ako sa pagkukwento.

"It's going well, the wedding preparations at iba pa. Then my nightmare came, the last day before I got married.."

I took a deep breath and embrace my arms around his waist.

"My bestfriend betrayed me. She puts something on my last drink that caused me to lose my virginity with a stranger." pahina kong usal.

I felt him caressing my hair like it's his way of supporting me.

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now