KABANATA 26

69.5K 1.9K 746
                                    

Napakabilis ng panahon. Hindi ko akalain na limang buwan narin ang nakakalipas buhat ng maging magkarelasyon kami ni Xenoah. Totoo ang sinabi niya na unti-unti ring mamamatay ang isyu tungkol sa amin. Siguro nga ay ganun talaga, magiging mainit lang ang usapin sa umpisa at mananawa pagkalipas ng ilang linggo.

"May gusto ka pa ba anak?" he asked Rafael.

Nandito kami ngayon sa Star City at nakaupo sa isang benches dahil katatapos lang namin sakyan ang mga pambatang rides . Tinupad niya ang pangako kay Rafael ng tuluyan ng namahinga ang balita tungkol sa amin.

"Cotton candy po Daddy" Rafael answered with his cutest pout.

Natawa naman si Xenoah sa kanya at saka pinisil ang tungki ng ilong nito.

Isang linggo narin ang nakakalipas nang mapansin kong anak na ang tawag niya kay Rafael madalas at hindi baby. Siguro nga ay dala ng panahon na lagi kaming magkakasama ay hindi na ito naging iba sa kanya.

"Ikaw, bukod sa akin may gusto ka ba?" nakakalokong tanong niya nang sa akin mapunta ang paningin.

Inirapan ko naman siya ng tingin.

"Napakahangin Xenoah. Tubig ang gusto ko hindi ikaw." I uttered.

He laughed and pinched my nose too like what he did to my son.

"Kukuha na po master" he said and slowly walk away.

Hinawakan ko naman ng kamay ni Rafael dahil baka makatakbo ito palayo sa akin. Ilang buwan na rin at wala akong nababalitaan na kahit ano kay Bjorn. Siguro ay nananawa na siya kakasira kay Xenoah kaya natigil narin.

Sana ay ganun nga.

Hindi ko parin maiwasang kabahan paminsan-minsan sa tuwing iisipin kong may plinaplano itong masama sa amin. Nawawala lang iyon at nakakampante sa tuwing nasa tabi ko si Xenoah. Pakiramdam ko ay palagi akong ligtas sa piling niya.

Wala pang ilang minuto at bumalik na si Xenoah bitbit ang cotton candy at mineral na pinabili namin.

Masaya naman iyong tinanggap ni Rafael at sinimulang kainin samantalang siya naman mismo ang nagbukas ng tubig ko bago ibinigay sa akin. Naupo siya sa aking tabi at tulad ng normal na niyang ginagawa, pumulupot ang kanyang braso sa bewang ko.

"May iba pa ba kayong gustong puntahan?" he asked when Rafael finished his food.

"Home Daddy. Tired" Rafael answered as he started to yawn.

Nagkatinginan naman kami ni Xenoah at pareho napangiti.

Tumayo siya at kinarga si Rafael, mabilis na yumakap si Rafael sa leeg niya at isinandal ang ulo sa balikat nito.

"Napagod ang bata" nakangiting sambit ko habang pinanunuod ang anak ko na unti-unting nakakatulog sa balikat niya.

"Lets go" yaya ni Xenoah habang nakalahad ang isang kamay sa akin.

"Overload kasweetan mo nuh? Hindi na naubos." tumatawang usal ko at saka tumayo bago ipinatong ang aking kamay sa palad niya.

He hold it tight as we walked towards the exit.

"Happy 5th baby" he said in the middle of our walk.

"Happy 5th" I replied and force a smile.

Limang buwan Xenoah. Limang buwan akong nagbabakasakali na marinig ang tatlong salita.






Pasado alas shete na nang makauwi kami sa bahay. Tulog na tulog parin si Rafael kaya idinaretyo na siya ni Xenoah sa silid. Nakasunod lang naman ako sa kanyang likuran at hinayaan siyang gawin ang kanyang gusto.

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now