KABANATA 18

61.2K 2K 402
                                    

"Mukhang masaya ka ah?" usal sa akin ni Bjorn pagkauwi ko ng bahay.

Nagulat ako sa presensya niya. Hindi siya lasing ngunit malamig ang ekspresyong binibigay niya sa akin.

"May kailangan ka ba?" alanganin kong usal, iniiwasan ang mga paninitig niya.

Naglakad siya palapit sa aking pwesto saka ako biglang niyakap.

Nagulat ako sa ginawa niya lalo na nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin leeg at saka suminghot roon.

"Akala mo ba ay hindi ko malalalaman ang panlalalaking ginagawa mo?" malamig niyang bulong sa akin na ikinatigalgal ko sa aking pwesto.

Nagsimulang mangarera ang puso ko sa kaba.

Kumalas siya saka naglakad patungong salas at umupo sa sofa. Ako naman ay napako na sa aking tayo, hindi malaman ang dapat na gawin.

"Halos isang linggo narin kitang napapansin Azaia. Nanunuot palagi sa aking ilong ang amoy panlalaking pabango sa tuwing umuuwi ka. Tingin mo ba ay maloloko mo talaga ako?" he said and looked at me.

"A-ano bang sinasabi mo?" tanong ko saka pinalibot ang tingin ko sa bahay.

Nasaan ang babae niya?

He smirked and stand before walking towards me. Mahigpit nyang hinawakan ang aking panga at iniharap sa kanya. Napaigik nalang ako sa sakit kasabay ng panunubig ng aking mata sa takot.

"Alam mong ayoko sa lahat ng sinungaling Azaia" gigil niyang ani saka ako malakas na sinampal dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Ahh!" sigaw ko nang mahigpit niyang hinawakan ang aking buhok at iniharap ang aking mukha sa kanya.

"Bakit Azaia? BAKIT PAULIT-ULIT MO KONG NILOLOKO?!" galit na sigaw niya saka ako muling sinampal sa kabilang pisnge.

Hindi ko na napigilang mapaiyak.

"Ahh! Bjorn tamana please" umiiyak na pakiusap ko nang hilahin niya muli ang aking buhok at pilit na itinayo.

"Kailan pa Azaia? Kailan mo pa ako nilolokong put@ng!na ka?!" muli niyang pagsigaw saka ako sinuntok sa aking sikmura para muli akong mapatumba at mapahiga sa sakit.

"Tamana pakiusap" nanghihina kong sambit sa kabila ng pagtulo ng aking luha.

Yumuko siya at saka muling hinila muli ang aking buhok.

"Ilang taon kitang pinagtiisan Azaia tapos eto lang ulit ang igaganti mo sa akin?" he uttered.

"Bakit Bjorn? Hindi rin ba ako nagtiis?" for the first time, nagawa kong sumagot sa kanya ng ganito.

"Habang pinagbibintangan mo ako ikaw itong walang sawang nakikipagtalik sa iba." dugtong ko.

Mariin akong napapikit nang mas humigpit ng pagkakasabunot nya sa aking buhok.

"Sinong hindi kung iniputan mo ako Azaia? At talagang sa araw pa bago tayo ikasal." may panggigigil niya wika.

Pagak akong napatawa saka sinalubong ang tingin niya.

"Bakit Bjorn? Bakit hindi mo magawang pakinggan ang paliwanag ko? Nangyari man iyon o hindi, hindi ba sapat na nag-stay ako sayo at pinagbayaran ang pagkakamaling iyon?" umiiyak na usal ko.

Siya naman ang natawa bago ako muling malakas na sinampal.

"Nahihibang ka ba Azaia? Tingin mo ba ay katanggap-tanggap iyon sa pagkalalaki ko?" asar na wika niya.

Mahina akong natawa at napailing.

"Kung ganun ay hindi mo talaga ako minahal" nanghihinang sambit ko saka siya tiningnan.

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now