KABANATA 22

64.1K 2.1K 322
                                    

Naalala ko ang panahon na una niyang ipinakita sa akin si Rafael. Unang sumagi sa isip ko na anak niya ito base sa pagkakahawig nila.

"Hey. Are you okay?" Xenoah asked me.

Kasalukuyan kaming nasa silid na ginagamit ko. Nakatulog na si Rafael sa pakikipaglaro kay Serefina habang nakaalis na naman ang parents niya. I can't say na tutol o suportado nila kami, ang malinaw lang ay gusto ng mga magulang niya na malinis ang lahat bago kami magsimula.

"Did you see my phone?" tanong ko pabalik saka sinuyod ng tingin ang buong silid.

I heard him sigh kaya napatuon sa kanya ang aking paningin.

"Nasayo?" taas kilay kong tanong.

He groaned and get it from his pants.

My brows furrowed in confusion.

Ano namang trip niya sa cellphone ko? Wala ba siyang load?

Lumapit siya at ibinigay iyon sa akin pagkatapos ay naupo siya sa may bandang likuran ko. Pareho na kaming nakaupo sa kama kung saan nakahiga sa gilid si Rafael.

Niyakap niya ako mula sa likuran at ibinaon ang kanyang mukha sa aking balikat.

"Baby" wala pa ay tila nagsusumamo na ito.

"Seriously Xenoah, what's going on?" seryoso kong tanong dahil kanina pa ako nahihiwagaan mula ng dumating ang mga magulang niya.

"It's just nothing" paos niyang sagot.

"Nothing? At umabot sa puntong itinago mo ang cellphone ko?" I fired back.

Lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"I'm just scared. Fvck!" mahinang bulong niya.

"Scared of what?" I asked.

"Scared of you leaving me" he answered. There's a sadness at the same time fear in his tone.

Natigilan naman ako at napakalas sa kanya pagkatapos ay saka ko siya tinitigan.

Namungay ang kanyang mata habang nakatingin sa aking mukha.

I took a deep breath and put my phone on the bed kahit pa hindi ko pa iyon natitingnan.

I face him straight and gently hold his face.

"Tell me, what's going on?" mahinahon kong tanong.

"Your soon to be exhusband" he started then his jaw clenched.

Kinain man ng kaba ay hindi ko hinayaang lamunin ako niyon.

"He just acted broken and told the public that I stole you from him." he added.

Unti-unting nanlaki ng aking mata nang maproseso ang sinabi niya.

"So the netizens are bashing me and you for this relationship. They called me kabit while they're calling you a ...nevermind it's not true anyway." kibit-balikat niyang sabi sa huli.

"He did that?!" I mumbled.

Akala ko ay tinanggap na niya ang kapalaran naming dalawa pero mukhang imposible talaga iyon.

Simpleng naman siyang tumango at saka ako muling niyakap.

I can let my image be ruined but Xenoah. He doesn't deserve it. Kaya siguro ganun nalang ang pag-uwi ng mga magulang niya mula ibang bansa papunta rito dahil sa balitang nagkalat.

Hindi ko rin inaasahan na lalaki ng ganito ang issue naming lahat.

"Don't leave me please" puno ng emosyong pakiusap niya.

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant