KABANATA 24

64.3K 2K 409
                                    

"Oyy okay ka lang? Tulala ka dyan." tawag pansin sa akin ni Cassandra.

"Tsk. Namimiss mo nuh?" pasunod na sabi ni Ayesha.

It's been a week mula nang magkalayo kami ni Xenoah at hanggang ngayon ay hindi ko parin makasanayan na wala siya. Nang mabalitaan nila ang paglipat ko pansamantala ay agad silang naglaan ng araw para puntahan kami ni Rafael.

Nasa kusina kami habang sa kama naman naroon ang mga bata at busy sa panunuod ng cartoons.

I took a deep breath and drink my shot. Yeah, I'm drinking a whiskey in the middle of the day habang sila naman ay juice ang iniinom.

Cassandra already told us that she's pregnant also. Bagay na talagang alam ko na base palang sa pagiging clingy niya sakin nung nakaraan.

"I don't know if I'm okay or not" usal ko saka sila tiningnan dalawa.

Sabay silang napangiwi at pinasadahan ng tingin ang mukha ko.

"Ghorl kulang nalang ang word na depress sa itsursa mo" Ayesha stated.

"Bakit ba kasi umalis alis ka pa dun hindi mo naman pala kaya na malayo sa kanya." pangaral naman ni Cassandra.

I rolled my eyes and poured another shot.

"I already told you the reason. I need to protect his name. Ito lang ang kaya kong gawin para sa kanya." I explained.

They both sighed and looked at each other.

"Why don't you go back Azaia? Tingin mo ba ay hindi kayang gawan ng paraan ni Xenoah   kung sakali man na maipit siya?" Ayesha uttered while seriously looking at me.

Hindi naman ako nakasagot doon.

"You already knew what happened to both of us Azaia. Nagkulang kami sa tiwala sa mga partner namin dahilan para magkawatak-watak kami sa loob ng apat na taon." Cassandra stated, proving a point.

Napayuko naman ako at napatingin sa hawak kong shotglass.

"Did I made the wrong decision?" mahinang sambit ko saka sila tiningnan.

Tipid silang ngumiti sa akin at sabay na umiling.

"Hindi mali ang ginawa mo Azaia. Alam namin ang intensyon mo at walang masama doon. Ngunit bakit mo kailangang pahirapan ang sarili mo kung pwede namang magkasama niyong harapin ang lahat ng darating na pagsubok?" Ayesha mumbled as she hold my hand.

Kinuha naman ni Cassanda ang hawak kong shot glass at itinabi sa gilid ng mesa.

"Isn't it easier to fight together than facing this alone?" Cassandra uttered.

"Should I go back now?" I asked.

Nagkatinginan naman muna sila bago tumango sa akin.

"Kailangan mo na talagang bumalik dahil baka mamatay kana sa kalungkutan dito. Syst you really look like a mess." nakangiwing ani ni Cassandra at mahinang natawa.

"Daig mo pa broken hearted. Nako Azaia, naistress pati beauty ko sayo." panggagatong ni Ayesha.

Sabay-sabay nalang kaming natawa.

"Salamat" tipid ngunit puno ng emosyon kong sabi sa kanila.

Ngumiti naman sila sa akin.

"We're just returning the favor Azaia. Nandoon ka rin nung mga panahon na wala kaming masandigan." ani ni Ayesha saka sumandal sa kanyang upuan.

"Well I think that's what's friends are for." kibit-balikat na tugon ni Cassandra.

Muli pa kaming nag-usap sa iba pang bagay. Napag-alaman ko rin na kaya nila hindi kasama ang kanilang mga asawa ay dahil pinuntahan nila si Xenoah upang alamin kung buhay pa ito. Natawa nalang ako dahil sa mga kalokohan nilang lahat.

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now