Chapter 15

248 23 1
                                    

Sa galit ko ay lumabas na ako ng CR at hinabol sila pababa ng hagdan. "Gago ka ah." yesss feeling siga ang lola niyo haha. "Sabi mo napaaway ka 'yon pala ikaw lang din may gawa ng mga sugat mo...at may balak mo pa akong halikan, kapal mo din no."

Hinawakan niya ang braso ko papalapit sa kanya. Pilit kong kumawala sa pagkakahawak niya ngunit masyado siyang malakas. Binusalan nila ako ng panyo ng akma akong sisigaw.

"Napakaarte mo naman Deanna. Anong akala mo sa sarili mo? Dyosa para magustuhan ka ni Rocco." nagtaasan ang aking mga balahibo sa aking leeg nang bumulong dito si Lexus. Hindi ko na pinilit na sumigaw dahil hindi ko naman kaya. Hindi na ako makahinga shucks. "Swerte mo pa nga eh at may gusto pa ako sayo." at itinulak niya na nga ako dahilan upang mapaupo ako sa sahig.

Agad kong inalis ang panyo na nakasubo sa aking bibig at sumigaw ngunit masyadong mabilis si Lexus at natakpan niya na agad ang bibig ko. "Sa tingin mo ba ay may makakarinig pa sa atin dito?" nanlilisik na ang mga mata ni Lexus sa akin. Sana may nakarinig man lang ng aking sigaw kanina, tulungan niyo ko!

I bit my lower lip when Lexus suddenly started unbuttoning his polo, the way he stares at me I know he is planning to do something bad. Pilit ko mang kumawala ay hawak-hawak ng dalawa niyang kasama ang aking mga kamay. Birhen pa ako at ayokong si Lexus ang makinabang 'non.

Tuluyan na ngang nahubad ni Lexus ang kanyang polo habang ako ay walang tigil ng sipa at pagkalas sa kanila. Oo naging malandi ako sa isang lalaki pero bakit naman ganito ang tadhana tatlo sila mga bes. Hindi ko na mapigilang umiyak serysoso bakit ganito ang mangyayari sakin, kung alam ko lang sana ay hindi na ako lumabas ng CR kanina.

Lumuhod na sa aking harapan si Lexus at napapikit na lang ako sa takot ngunit wala akong anumang paghipo o paghawak na naramdaman. Pagbukas ko ng aking mga mata ay nakatumba na si Lexus. 

"Tarantado ka!" sinuntok ni Rocco si Lexus dahilan upang dumugo ang labi nito. Sina Jervin at CJ ay abala sa pagpapaulan ng suntok don sa dalawa pang lalake na may hawak ng kamay ko kanina. Tumayo ako at lumayo sa kanila, pinunasan ko ang aking mga luha at inayos ang aking sarili. Napahalukipkip na lang ako sa takot, ganito ba talaga si Lexus? Alam ba ni Aubrey na ganito ang ugali ng lalakeng 'yon.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Rocco, tumango lang ako habang naiyak dahil hindi ko mapigilan na lumuha sa nangyari sa akin ngayon. "Sisiguraduhin kong makakarating 'to kay Ma'am Garcia mga kupal." pagbabanta sa kanila ni Jervin.

Inalalayan ako ni Rocco sa pagtayo ko. "Ayos ka lang ba Deanna?" tanong sa akin ni Jervin. "May ginawa ba sila sayo?" tanong sa akin ni CJ.

"Ayos lang ako, hindi ko lubusang maisip kung anong pwedeng mangyari sa akin kanina kung...kung hindi niyo ako tinulungan. Salamat ng marami." the nervousness is still evident to my voice. Hinang-hina na ako feeling ko mahihimatay na ako.

Bitbit ni Rocco ang aking bag hanggang sa makababa kami ng building. Nagpaalam sina CJ na uuna na sila ni Jervin kaya natira na lang kami ni Rocco.

May puting van na tumigil sa tapat namin at bumukas ang bintana. "Kuya ano na kanina pa tayong iniintay ni dad." inis na sabi ni Roja. "And by the way bakit mo kasama---" Roja was cut off by Rocco.

"Tell dad na hahabol na lang ako." Hindi na inintay ni Rocco ang sasabihin ni Roja at agad akong hinila papunta sa parking lot.

"Kaya ko na naman mag-isa Rocco sana sumabay ka na kay Roja."

"Tignan mo nga 'yang sarili mo, ayos ka lang sa lagay na 'yan?" he said without looking at me.

I look for the side mirror to see my reflection, hindi ko alam kung maaawa ako sa sarili ko o matatawa dahil mukha akong bagong anak na tuta. Naaawa ako sa sarili ko bakit ganon, bakit parang ambilis kong nakalimutan yung nangyari sa akin. That's unfair pala bakit parang hinayaan ko na lang siya kumawala kanina.

Just a Pretender (Midnight Class Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon