Chapter 30

150 24 0
                                    

Flashback • • • 10 years ago.............

ROCCO'S POV

I'm so excited today that me and Deanna will play again in the school.
"Dad let's go na!!!"

"Anak intayin muna nating makatulog si Roja para di na makasama satin ok?" He brushes my hair.

My dad is running for governor in our province and he is about to renovate the Galla de Santa Catalina Ins. particularly the office of Principal, Lola Seri, Deanna's grandmom.

"Engineer Mendrez, Ma'am Pagadian. It's my pleasure to finally meet you." nakipag-kamayan si dad sa kanila.

"Good morning also sa ating butihing susunod na gobernador ng ating probinsya. Nga pala anak gusto kong magpasalamat at isa ang school namin sa napili mong isaayos." Lola Seri said.

Engineer Mendrez which is Deanna's father was the right hand of my Dad in terms of his projects. Whenever he is planning to construct or to build something, Engineer Mendrez is always beside him kaya laging dala-dala ni Tito si Deanna sa tuwing may pupuntahan sila ni Dad kaya nasanay na rin akong kasama siya lagi. Through that, naging matalik kaming magkaibigan ni Deanna.

"Deanna!" sigaw ko sa kanya, eating an ice cream.

"Rocco! Halika ka dito I bring new toys!" sambit niya sa labas ng office ng Lola niya.

Nagsimuka na kaming maglaro ni Deanna ng bago niyang laruan. Nagdala siya ng mga laruang pang-tanim.

"Alam mo ba sabi ni Lola dapat daw araw-araw tayong magtanim ng puno." Nauutal niya pang sabi dahil may subo siyang lollipop. "Ito ang mga binhi ng rambutan, 'yan ang itatanim natin ngayon."

"Akin na 'yan. Ako na magbubuhat sa mga paso ikaw na lang diyan sa mga gamit." Alok ko at nagsimula na nga kaming magbilad sa initan.

Nagpatuloy lang kaming magtanim ni Deanna hanggang sa maitanim na namin lahat ng binhing dala niya.

"Rocco pwede ka bang mag-igib ng tubig doon sa opisina ni Lola. May timba na rin don, punan mo lang ng tubig para may maidilig tayo dito."

Sinunod ko ang utos ni Deanna at nagtungo na ako sa opisina ni Lola Seri.

"Good Morning Rocco, bakit ka napunta dito?"

"Ahhh kukuha lang po sana ako ng tubig para pandilig namin po sa mga halamamg itinanim namin banda roon." Turo ko sa kalayuan kung saan nandoon si Deanna.

"Ahh ganon ba, oh sige kaya mo bang buhatin ang timbang 'yan?" tanong sa akin ni Lola Seri na may halong pag-aalala at sinabi ko sa kanyang kaya ko namang buhatin iyon. Ipinagpatuloy na ni Lola Seri ang pagsusulat at nagtungo na ako sa CR.

Mahina ang tulo ng tubig kaya mukhang matatagalan pang mapuno ang timba. Umihi muna ako at binuhat na ang timba ng marinig ko ang lagaslas ng tubig dahil naaawas na ito sa kapunuan.

"Laaaaaaaa!" rinig kong sigaw ni Deanna, naiyak.

Dahil doon ay nabitawan ko ang timbang dala-dala ko at sinundan ko ang sigaw ni Deanna.

Nanginginig ang tuhod ko at biglang nag-init ang aking katawan ng makita kong nakahandusay na si Lola Seri sa sahig. Punong-puno ng dugo ang mga papel na sinusulatan niya kanina.

"Deanna! Mama!" sigaw ni Engineer Mendrez pagkapasok ng silid. Iyak ng iyak si Deanna habang yapos-yapos niya ang kaniyang Lola. Wala akong magawa dahil nanghihina ang aking katawan sa mga nakikita ko.

Dumating na ang rescue van na tinawagan kanina ni Dad. "Daddy is she going alright?"

"Of course anak basta ipagpray natin si Lola Seri mo ok?" My dad replied.

Just a Pretender (Midnight Class Series 1)Where stories live. Discover now